Masyadong mabilis lumipas ang mga araw—I mean, gabi pala para sa akin. Hindi ko namamalayan na isang buwan na lang at Pasko na.
Dati, wala naman akong pake sa mga special holidays. Every year kaming pumupunta sa bahay ng Grandparents ko para doon magcelebrate ng Christmas atsaka New Year. Kumpleto kaming lahat pero hindi ako masaya. But now, iba na. Excited na excited pa nga ako eh lalo na kapag naiisip ko na makakasama ko ngayong pasko ang taong bumago ng buhay ko.
"Do'n tayo! Do'n!"
Napakurap-kurap ako at natauhan nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Lucian.
Napangiti ako agad nang makita ang suot niyang Vampire costume. May demon hairband pa siyang suot sa ulo niya at may hawak-hawak na maliit na pumpkin. Cute.
Syempre, bago ang pasko, may Halloween pa kaya naman dinala kami dito ni Auntie sa Stars Land—bagong bukas na Amusement Park dito sa city namin.
With costumes pa talaga kaming tatlo ngayon. Sapilitang pinasuot sa akin ni Auntie 'tong Sailor Moon costume. Ayokong isuot 'to dahil mukha akong ewan pero mas mabuti na 'to kesa dun sa Harley Quinn na outfit. Si Auntie naman, Cat Woman ang peg niya. May dala-dala pa siyang latigo at sobrang pula pa ng lipstick niya. Kung andito lang sana ang Daddy ni Lucian, siguradong maglalaway 'yun sa kanya.
"Lu, bawal ka d'yan. For adults only. Do'n ka na lang sa Bumping Cars." Natatawa kong saad habang hinihila si Lucian palayo sa pila ng mga taong sasakay sa Roller Coaster.
"Eh gusto ko dito eh!" Pagpupumilit niya.
Napabuntong-hininga si Auntie. "Hindi nga sabi pwede—"
Bigla na lang niyang kinalas ang kamay ko at nanlalaki ang mga matang sumigaw. "Kuya Ravi!"
Kumunot ang noo ko nang tumakbo siya at nilampasan ako. Paglingon ko, napakurap na lang ako sa gulat nang makita ang baliw na lalaki. Nakakainis, mas lalo pa siyang nagliliwanag sa paningin ko ngayon dahil sa suot niyang Vampire costume. Nakakainis, ang gwapo niyang tingnan.
Binuhat niya si Lucian at ngiting-ngiti na lumapit sa akin.
"Hi, Asul—" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos natawa. "Ay Sailor Moon pala."
Uminit ang pisngi ko nang mapagtantong para pala akong ewan sa suot ko pero kahit na hiyang-hiya ako, hindi ko 'yun pinahalata para hindi niya ako lalong asarin.
Tumikhim ako at at tinaasan siya ng kilay. "Ano namang ginagawa mo dito? 'Di ba sabi mo may Halloween Party kayo sa school niyo?"
"Eh ang boring do'n eh. Muntik na akong makatulog sa sobrang pagkabagot," sagot niya. "Atsaka sayang naman 'tong costume na nirentahan ni Tita para sa akin kung hindi ko mo makikita, hindi ba?"
Naging blangko ang mukha ko at walang kaemo-emosyon na humarap kay Auntie. Tinaas naman niya ang isang kamay at nag-peace sign nang hindi ako tinitingnan. Napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.