43 : News

28 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Blue?"

Dahan-dahan akong napa-angat ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses at tumambad naman sa akin ang pagmumukha ng weirdong Lenver.

"What are you doing here? At bakit ka nakaupo d'yan sa pavement?" Kunot-noo niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot at tumingin na muli sa kalsadang nasa harapan ko.

"Hey," Nag-squat ang weirdo sa tabi ko. "Blue, ano ba talagang ginagawa mo dito? Pasado 11 pm na oh. Delikado para sa isang babaeng tulad mo ang manatili dito sa labas sa ganitong oras."

Do'n ko lang napagtanto na ilang oras na pala akong nakatunganga lang dito sa labas ng Convenience store.

"Leave me alone," sabi ko pero ang weirdo, hindi pa rin talaga umaalis. Nagawa pa niyang umupo sa tabi ko.

"May problema ka ba?" tanong niya.

Napa-ismid agad ako. "Wala ka na do'n."

Bumuntong-hininga ang weirdo. "Magkaibigan tayo kaya pwedeng-pwede mong sabihin sa akin kung ano man 'yang bumabagabag sa 'yo at makikinig ako."

"Just leave me alone," sabi ko pero nanatili pa rin siyang nakaupo.

"Okay, sige," buntong-hininga niya. "Kung hindi mo kayang sabihin sa akin, umiyak ka na lang."

"Ano?" kunot-noo kong bulalas at napalingon sa kanya.

"Wag mong kimkimin lahat ng 'yan. Sige ka, baka sumabog ka na lang bigla. Ikaw din." Pananakot pa niya.

"Anong tingin mo sa akin? 7 years old?" Singhal ko. "Umalis ka na nga lang! Gusto kong mapag-isa!"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka umiiyak." Pagmamatigas niya.

Napasinghal ako ulit. "Edi d'yan ka na! Ako na lang ang aalis!"

Akmang tatayo pa sana ako nang bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko at pinaupo ako ulit.

"Dahil ba kay Ravi?"

Natigilan ako sa tanong niya at napalunok. Bwisit. Paano niya nalaman 'yon?

"Siya nga," sabi niya kaya mariin akong napapikit at napayuko. "Hindi ko alam kung anong nangyari pero sigurado akong nasasaktan ka ng sobra ngayon. Halatang-halata sa mga mata mo." He added.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon