38 : Sorry

28 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



65 text messages and 30 missed calls.

'Yan lang naman ang bumungad sa akin pagka-buhay ko. Napabuntong-hininga ako at lumakad patungo sa banyo habang hawak-hawak ang cellphone ko. Binaha ako ng messages nina Raven, Micky, Scent, Yong, Lenver at... 'yon lang.

Wala akong natanggap na kahit isang message man lang mula sa baliw na lalaki.

"Bwisit na Ravi." Naiinis kong sambit at nanggigigil na in-off ang cellphone ko. Kumukulo na naman ang dugo ko nang maalala ulit 'yong nangyari.

"Sino 'yong bwisit?" May biglang nagtanong sa gilid ko.

"Si Ravi! Bwisit siya! Kinampihan niya—" Napahinto agad ako sa pagsasalita at mabilis napatingin sa gilid ko. "Ay palaka!" Gulat kong bulalas nang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Auntie. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong cellphone.

"Grabe ka!" Ma-dramang napasinghap si Auntie at umarteng nasaktan talaga sa sinabi ko. "Pagkatapos kitang paliguan, bantayan at pakainin, tatawagin mo lang akong palaka? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa 'yo—"

"Auntie, tama na." Nakangiwi kong sabat.

"Alam mo, panira kang bata ka." Sumimangot naman si Auntie at akmang pipitikin ako sa noo kaya mabilis akong lumayo sa kanya.

"Ano po bang ginagawa niyo dito?" tanong ko at inilagay ang cellphone ko sa safe na pwesto.

"Aba, bakit? Bawal ba ako dito? Sa pagkakaalala ko, bahay ko 'to kaya meron pa naman akong karapatang pumunta dito sa banyo mo?" Pabalang niyang sagot. Siya ata ang nawawalang nanay ni Raven.

"Auntie!" Napa-face palm na lamang ako.

"Aba malamang katatapos ko lang lagyan ng mainit na tubig 'yang bathtub," sagot niya at inismiran pa ako.

Napailing ako at akmang huhubarin na sana ang suot kong pajama nang mapansin kong hindi pa rin gumagalaw si Auntie sa pwesto niya at nakatingin lang sa akin.

"Wala pa po ba kayong balak na lumabas?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Anong nangyari?" tanong niya pabalik.

"Po?"

"Sa inyo ni Ravi."

Natigilan naman ako at mabilis na napa-iwas ng tingin. "Hi-hindi ko po kayo maintindihan."

"Sus! Nagdeny pa si Pamangkin!" Nagulat naman ako no'ng bigla niya akong tinulak sa balikat. "Sa bunganga mo na kaya mismo nanggaling na bwisit ka kay Ravi!"

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon