Napadilat ako at ang unang tumambad sa akin ay ang mga paper cranes na nakasabit sa puting kisame.
Napabuntong-hininga na lamang ako at bumangon na mula sa pagkakahiga. Nilibot ko ang tingin sa halos dalawang daang orasan na nakadikit sa bawat sulok ng kwarto ko. Iba't-ibang klase ng orasan ang nandito; merong alarm clock, wall clock, digital clock at kung anu-ano pa. Iba-iba rin ang sizes, kulay at shapes ng mga 'to pero iisa lang ang sinasabi—6pm na.
Tumayo na ako mula sa kama at sinuot ang paborito kong tsinelas. Gaya ng nakagawian, pumasok na ako sa banyo; hindi para maligo kundi para magbabad sa bath tub na may mainit na tubig. Nang mawala na ang lamig sa buo kong katawan, nagbihis na agad ako ng usual attire ko—maroon sweatshirt at ripped jeans.
"Oh! Gising na pala ang napaka-ganda kong pamangkin!" Nadatnan ko naman si Auntie Miranda na nakaupo sa sofa at nanonood ng Spongebob Squarepants kasama ang 4 years old kong pinsan na si Lucian.
"Auntie, hindi po ako nagising. Namatay po ako, remember?" paalala ko sa kanya.
Napatikhim naman si Auntie at base pa lang sa facial expression niya, halatang nailang siya sa sinabi ko.
"Teka, aalis ka na naman?" pag-iiba niya na lang ng usapan kaya napatango na lamang ako.
Ayaw na ayaw talaga niyang pinag-uusapan ang tungkol sa kalagayan ko. Pinaparamdam niya kasi sa akin na normal akong tao kahit ang totoo; hindi naman talaga.
"Pamangkin naman. Tigilan mo na yang ginagawa mo. Delikado yan eh," sabi ni Auntie pero binalewala ko lang yun at kinuha ang susi na may strawberry keychain sa loob ng cabinet.
"Pamangkin, makinig ka naman sa napaka-flawless at gorgeous mong Auntie! Wag ka nang lumabas ngayong gabi!" pangungulit niya pa pero nagbingi-bingihan pa rin ako.
"Saan ka na naman ba kasi pupunta?!" nakasimangot at nagkakamot ng ulo si Auntie habang nakasunod sa akin.
"Ewan. Hindi ko naman talaga pinagpaplanuhan kung saan ako pupunta eh," sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Tinapik ko lang si Lucian sa tuktok ng ulo niya at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Nagtungo ako sa garahe at sumakay na sa kulay sky blue na scooter na pagmamay-ari ni Auntie.
"Teka lang!" Bigla namang humarang sa harapan ko si Auntie. Talagang in-extend niya pa ang dalawa niyang braso at mga paa na para bang maglalaro kami ng patintero ngayon. "Pamangkin, tatlong taon mo na 'tong ginagawa. Tatlong taon ka nang gumagala sa labas at naghahanap ng lugar kung saan ka pwedeng sumaya pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin masaya. Hindi ka ba napapagod?"
Napabuntong-hininga ako. 3 years. Grabe, 3 years ko na pala 'tong ginagawa. Ang tagal na.
"Hindi ako pwedeng mapagod," sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Hindi ako pwedeng mapagod kasi ayokong mawalan ng ganang mabuhay."
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.