She's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Baka mabali na 'yang leeg mo sa kakaligon sa paligid."
Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Ravi na busing-busy sa pagngatngat ng drumstick.
"Naninibago lang talaga ako. Ang liwanag kasi ng paligid eh. Para talagang hindi gabi ngayon," sabi ko 'saka lumingon-lingon ulit.
Nakaupo kami ngayon sa nakalatag na mat, sa mismong gitna ng pathway. Nagdala rin siya ng basket na may lamang mga pagkain; drumsticks, streetfoods, barbeque saka dalawang can ng softdrink. Ang tawag dito ni Ravi sa ginagawa namin-night picnic. Siraulo talaga. Daming nalalaman.
"Artificial pa lang 'yan, ah. Paano pa kaya kung totoo na lahat ng 'to? Na araw talaga ngayon at hindi gabi? Baka mahimatay ka na sa sobrang saya." Natatawa niyang saad.
"Baka nga." Napatango ako at natawa na rin.
Kumuha ulit siya ng panibagong manok. "Paano kung maging normal ang puso mo at magawa mong mabuhay hanggang 6am? Anong gagawin mo?"
Natigilan naman ako at bahagyang napa-isip. "Hmm, madami. Syempre, papasok ako sa school. Alam mo naman kung gaano ko ka-gustong mag-aral, 'di ba?"
"Uy, dapat sa school ka namin mag-e-enroll, ah." Naningkit ang mga mata niya at dinuro-duro ako gamit ang hawak na manok.
"Naman!" sagot ko. "Hmm, tapos pupunta ako sa beach. Magsusuot ako ng sunglasses at maga-apply ako ng lotion sa buo kong katawan-"
"Tapos magsusuot ka ng bikini?" sabat niya habang tinataas-baba ang dalawang kilay.
Natatawa kong pinalo ang braso niya. "Siraulo! Hindi ah! Rash guard lang!"
Napanguso siya. "Gano'n? Sayang naman."
"Anong sayang ka dyan?!" Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin at tinaas ang kamao ko.
"Joke lang! Joke!" Bawi niya naman agad habang nakapeace sign. "Sige na, tuloy mo na 'yung sinasabi mo. Continue."
Umayos ako ng pagkaka-upo at bumuntong-hininga. "Ano pa ba? Ah! Gusto kong magpa-picture sa ilalim ng araw. Tapos bibili ako ng ice cream at panonoorin ko 'tong matunaw sa kamay ko."
"Tapos didilaan mo?" Natatawa niyang saad.
"Ew!" Napangiwi agad ako at tinulak siya sa balikat.
Humagalpak naman ng tawa ang baliw na lalaki. Sinulit ko 'yung konting oras na tingnan ang mukha niya habang tumatawa at nung tumigil na siya, mabilis kong iniwas ang tingin ko. Napatikhim ako 'saka kumagat sa drumstick.
Binuksan niya ang isang can ng softdrink at inabot 'to sa akin tapos nagbukas ulit siya ng panibago para sa kanya.
"Hayaan mo, Asul. Magagawa mo rin lahat ng 'yan balang araw," sabi niya.