Asul, sorry. Hindi muna tayo makakagala ngayon. May biglaan kaming practice sa basketball, e. Malapit na kasi ang Finals. Babawi ako sa susunod. Promise!
Napahinga ako ng sobrang luwag pagkatapos basahin ang message na natanggap ko mula kay Ravi. Parang nawalan ng napakalaking tinik ang lalamunan ko.
Mabuti na lang at kumakampi sa akin ang tadhana ngayon. Ayoko pa talagang makita ang baliw na lalaki na 'yon. Baka mawala na naman ako sa sarili ko. Baka may gawin na naman ako. Or worst, baka matuluyan na talaga ako.
"Hi, Lu." Bati ko sa pinsan ko nang maabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng kung anong palabas.
Tumingala siya sa akin tapos tumingin sa likod ko. Parang may hinahanap.
"Si Kuya Ravi po?" tanong niya.
"Wala siya ngayon, e." Tipid akong ngumiti at umupo sa tabi niya. "May practice sila."
Halatang dismayado si Lucian at nakangusong binalik ang atensyon sa TV.
"Pero pupunta rin naman 'yon dito bukas," sabi ko kaya napangiti na siya ulit.
"Sino? Si Ravi?" Napa-angat ako ng tingin at nakita si Auntie na nagpupunas ng kamay. "Wala siya ngayon?"
Tumango-tango ako.
"Gano'n? Nagluto pa naman ako no'ng paborito niya." Napanguso rin si Auntie at bumalik na ulit sa kusina.
Napalapit na talaga masyado ang baliw na 'yon kina Lucian at Auntie. Sanay na sanay na sila sa presensya niya. Paano kung bigla na lang siyang mawala? O magbago? Wala pa namang permanente sa mundong 'to. Paniguradong malulungkot ng sobra sina Auntie.
Lalong-lalo na ako.
Napabuntong-hininga ako at sinubukang ituon ang atensyon sa TV pero nahigit ko ang hininga ko nang tumambad sa akin ang dalawang bida na naghahalikan.
Nag-init ang pisngi ko nang bigla na lang bumalik sa akin 'yong kagagahang ginawa ko no'ng isang gabi.
Bago ko pa man masabunutan ang sarili ko, mabilis kong dinampot 'yong remote para i-off ang TV pero naka-ilang pindot na ako, ayaw pa rin nitong mamatay-matay!
"Ate, anong ginagawa mo sa remote control ng car ko?"
Natigilan ako at dahan-dahang napalingon kay Lucian.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.