18 : Stay

86 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Pamangkin!" Ang yakap agad ni Auntie ang bumungad sa akin nang nabuhay ako. Naguguluhan kong nilibot ang tingin sa buong paligid. Andito pala ako sa loob ng kwarto ko.

"Pinag-alala mo talaga ako!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Auntie nang pakawalan niya na ako. Napansin ko agad ang namumula niyang ilong at namamagang mga mata.

"A-ano pong nangyari?" tanong ko.

"Ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan! Ano bang nangyari sa 'yo at bigla ka na lang namatay ha?" tanong niya sa gitna ng paghikbi.

"N-nanonood lang naman po nun ng fireworks tapos bigla na lang sumakit 'tong puso ko. B-bigla akong nahirapang huminga hanggang sa hindi ko na--" Napahinto ako nang pumasok sa isip ko si Ravi. Siya yung huli kong kasama. Yung nag-aalala at natataranta niyang mukha ang huli kong nakita bago ako namatay.

"Buti na lang at si Ravi ang kasama mo nun." Buntong-hininga ni Auntie kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

"Ki-kilala niyo po si Ravi?" Gulat kong bulalas.

Tumango si Auntie at hinawakan ang kamay ko. "Alam mo bang muntik na akong mahimatay nung nakatanggap ako ng tawag mula sa phone number mo kagabi tapos boses lalaki yung nasa kabilang linya? Akala ko na-kidnap ka na! Pero nagpakilala siya, sinabi niya sa akin yung nangyari sa 'yo at kung nasaan kayo kaya pumunta ako agad. Inalalayan niya akong isakay ka sa kotse tapos siya naman ang nagdrive ng scooter pauwi."

"Si-sinabi niyo po ba sa kanya ang tungkol sa akin?" Mabagal kong sambit.

"Oo." Tumango si Auntie. "Nagpupumilit kasi siyang dalhin ka sa ospital. Natataranta pa siya kasi hindi na raw tumitibok ang puso mo at sobrang putla mo na kaya ayon, sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa 'yo."

Bumagsak ang balikat ko at bumalik ulit yung bigat sa puso ko dahil sa narinig.

"A-ano pong reaksyon niya?" tanong ko.

"Na-natulala." Alanganing sagot ni Auntie. "Hindi na siya nagsalita pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang kundisyon mo pero hindi nagtagal, umalis na rin siya."

Pabagsak tuloy akong napasandal sa headboard ng kama ko. Wala na. Alam na niya ang totoo tungkol sa akin. Alam na niya na hindi ako normal.

"Siya ba yung dahilan kung bakit ibang-iba ka na ngayon?" tanong ni Auntie.

Dahan-dahan akong tumango. "S-sorry po kung hindi ko sinabi sa inyo."

"No, it's okay." Tinapik ni Auntie ang kamay ko at ngumiti. "May tiwala ako sa 'yo eh. Hindi mo naman papasukin ang isang tao sa buhay mo kung masama siya. Unang kita ko pa lang sa kanya, naramdaman ko na agad na mabait siyang tao. Lalong-lalo nung nadatnan ko siyang buhat-buhat ka at kitang-kita ko ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya."

Bumuga ako ng hangin at tumingala sa kisame para pigilan ang luha ko.

"Sa loob ng tatlong taon kong pagala-gala kung saan, siya lang pala yung magpapasaya sa akin. Dahil sa kanya, sobrang dali na para sa akin ngayon na tumawa at ngumiti. Pinaranas niya sa akin yung mga bagay na akala ko hanggang pangarap ko lang." Mapait akong napangiti at napayuko. "Pe-pero dahil sa nangyari, mukhang hindi ko na siya makikita ulit."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon