46 : Wishes

24 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Sumandal si Ravi sa railings ng rooftop at nakangising lumingon sa akin. "Miss na miss mo talaga ako, 'no?"

"Hindi ah!" sagot ko 'saka umirap.

"Hindi ah." He mocked me. "Sa higpit pa lang ng yakap mo sa akin, ramdam ko na agad."

Natigilan ako at napa-iwas ng tingin sa kanya. "A-ano namang naramdaman mo?"

Narinig kaya niya ang malakas na pagtibok ng puso ko kanina?

Bigla na lang niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at sapilitan akong pinaharap sa kanya. Nasilaw na naman tuloy ako ulit sa ngiti niya.

"Na namiss mo ako!" sabi niya. "Ang higpit higpit ng pagkakayakap mo sa akin kanina! Hindi na ako halos makahinga!"

"OA mo!" Ingos ko sabay palo ng kamay niya.

"Aminin mo na kasi, namiss mo talaga ako." Pagpupumilit niya pa.

"Oo na." Umamin na lang ako. Alam ko naman kasing hindi talaga niya ako titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.

"Sabi na, e!" Malakas namang humalakhak ang baliw. Papaluin ko pa sana siya ulit pero huminto rin naman siya agad sa pagtawa at genuine akong nginitian. "Namiss din naman kita so quits lang tayo, Asul."

Napabuntong-hininga ako. This is so unfair. Wala siyang kaalam-alam kung paano niya pinatibok ng sobrang lakas ang puso ko dahil lang sa mga simpleng salita na 'yon.

"Mabuti naman kung gano'n," sabi ko na lang at sumandal na sa railings gaya niya.

"'Yong regalo sa 'yo, nagustuhan mo ba?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Medyo."

"Medyo? Medyo lang?" Halata naman sa mukha niyang disappointed siya sa naging sagot ko.

"Joke lang." Natatawa kong bawi. "Nagustuhan ko. Sobra."

Pabiro niya akong sinamaan ng tingin. "Marunong ka na palang mag-joke ngayon, Asul."

"Ikaw ba nag-paint no'n?" tanong ko.

Tumango-tango naman siya na parang proud na proud siya sa sarili niya.

"E, 'yang regalo ko sa 'yo, nagustuhan mo ba?" Ako naman 'yong nagtanong. Bago kasi kami pumunta dito sa rooftop, kinuha ko muna sa room ko 'ypng regalo ko para sa kanya.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon