She's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Alfred, we need to do something! Anything! Just to save our daughter!"
"Masyadong mababa ang chance na maka-survive si Blue sa operation. Look what happened sa transplant natin last month? Nilalagyan pa lang natin siya ng anesthesia, nagfi-freeze na agad ang puso niya. Celine, she might die if we keep on operating!" Rinig kong sagot ni Dad.
"So what do you mean by that? Na wala na talagang pag-asa pang gumaling ang anak natin? Gano'n ba, Alfred? Hahayaan na lang natin siya?" Umiiyak na tanong ni Mommy.
Napayuko lang si Dad. Hindi alam kung anong sasabihin.
"Alfred, please. Let's save our daughter, please." Pagmamakaawa ni Mommy.
"We will, Celine. We will find a way. We'll find a way for our daughter. I promise." 'Yon ang sabi ni Dad.
Naalala ko 'yong pag-uusap ng parents ko noon sa office nila. If I'm not mistaken, I was 9 years old that time. Umasa ako sa pangako ni Dad. Pinanghawakan ko 'yon nang matagal na panahon pero dumating din 'yong araw na napagod na ako kaya binitawan ko na.
I just... never thought that this night would come.
"Nakiki-hati ka na talaga dito sa paborito kong tambayan, ah."
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses at dahan-dahang lumingon. Muntik na akong maiyak nang makita ang mukha ni Ravi.
"Hi, Asul." Bati niya sa akin. Hindi ko alam kung gumaan ba 'yong pakiramdam pagkatapos makita ang ngiti niya o mas lalong bumigat.
Lumunok muna ako para pigilan ang sarili kong luha. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Lumakad siya papalapit sa akin at umupo sa mismong tabi ko. Tinaas niya ang mga binti niya at niyakap ang dalawang tuhod.
"Gusto ko lang magpahangin," sagot niya. "Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito? Tapos na ba 'yong family dinner niyo?"
Mabagal akong umiling.
Napatango-tango naman siya at tumingin sa city lights na nasa harapan namin. Ilang minuto ring walang umiimik sa aming dalawa hanggang sa napagdesisyunan ko nang magsalita.
"Hindi mo ba ako tatanungin?" I blurted out.
Napalingon siya sa akin. Kumunot ang noo. "Ha?"
"Right." I sighed. "Hindi ka nga pala namimilit na magkwento ang isang tao."
Ginaya ko 'yong pwesto niya. Tinaas ko ang dalawang binti ko at niyakap ang mga tuhod.
"Alam mo bang eto 'yong dapat na pinakamasayang gabi sa buong buhay ko?" sabi ko. "For the first time, nagawa kong sagutin 'ypng mga pinsan ko na ni minsan, hindi ko kinausap noon. Nagawa kong isigaw sa kanilang lahat ng paghihirap ko. Nagawa kong sumbatan ang parents ko. Nagawa kong ipagtanggol si Auntie sa harapan nila. For the first time... nagawa kong magpakatotoo."