36 : Hero

24 2 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Blue?!"

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nina Raven, Scent at Yong nang huminto ako sa tapat nila. Kinusot-kusot pa ni Yong 'yong mga mata niya kasi akala niya imagination lang ako. Kung wala lang sanang masakit sa akin ngayon, malamang natawa na ako sa mga itsura nila.

"Hi!" Kinailangan ko pang isigaw 'yon dahil sobrang lakas ng music.

"Hoy, totoo ka nga! Andito ka! Hoy, andito si Blue!" sigaw ni Yong at malakas na siniko si Raven.

"Alam ko! Nakikita ko siya, gago!" Singhal naman sa kanya ni Raven at sumiko rin pabalik.

"Teka, kung andito ka, malamang andito rin si Ravi, hindi ba?" tanong ni Scent at luminga-linga sa paligid.

"Ah, nando'n. Kasama si Nina." Tinuro ko 'yong direksyon kung nasaan sila. Mukhang pinapakilala ni Nina si Ravi sa mga kaibigan niya.

"Gagong 'ypn! Hindi ka man lang hinatid dito sa amin!" sigaw ni Raven.

"Ah, hindi. Ako na 'yong kusang lumayo sa kanya. Nakita ko kasi kayo dito kaya lumapit na ako," sabi ko.

Lie. Pagkatapos akong batiin ni Nina kanina, hinila na niya papalayo si Ravi. Syempre, hindi naman naka-angal 'yong baliw na lalaki. Buti na lang talaga at nakita ko sila agad dito sa sulok.

"Umiinom ka ba, Blue?" tanong ni Scent sabay turo sa root beer na na nasa table.

Umiling ako. Subukan ko lang talagang uminom at makukutusan talaga ako ni Auntie Miranda.

"Teka, kuha lang kita ng juice—"

"No need."

Napahinto sa pagsasalita si Scent nang may umimik sa likod ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil sigurado naman akong ang weirdong Lenver lang 'yon. Andito rin pala siya.

"Here." Inabot niya sa akin ang isang baso ng orange juice.

"Wala bang halong alak 'yan? O lason? O 'di kaya gayuma?" Sunod-sunod na tanong ni Raven sa pinsan niya habang nakataas ang kanang kilay. Highblood na naman.

"Chill, Insan. It's just a plain orange juice." Natatawang sabi ni Lenver at umupo sa tabi ni Yong, katapat ko.

"Salamat," sabi ko.

Ngumiti naman si Lenver sabay kamot sa likod ng ulo niya.

"Uy! Kinikilig!" Panunukso ni Yong saka tinusok ang tagiliran ni Lenver.

Malakas naman siyang binatukan ni Raven. "Anong kinikilig ka d'yan?!"

"Aray naman, Raven! Sadista ka talaga! May balak ka bang tanggalin 'tong ulo ko ha?!" Bulyaw ni Yong.

"Oo! Tutal wala namang pakinabang 'yan, e!" Bulyaw naman pabalik ni Raven.

Napangiwi na lang ako sa bangayan nilang dalawa habang si Scent, tawang-tawa. Siya talaga 'yong pinaka nag-eenjoy sa tuwing nagrarambulan ang mga kaibigan niya.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon