Malayo pa lang ako mula sa Convenience store, namataan ko na agad si Ravi na nakatayo sa labas nito at nagmumukhang tanga dahil kinakawayan niya ako gamit ang isang kamay habang nakangiti na naman ng malawak at tumatalon-talon pa.
"Hi Asul!" Bati niya agad nang huminto ako sa tapat niya. Napansin ko agad ang bandana at suot niyang hoodie na parehong dark green. May pa-terno pa ang baliw na 'to ngayong gabi ah.
"Saan tayo ngayon?" tanong ko, pinipigilan ang sariling mahawa sa ngiti niya.
"May bagong bukas na Amusement Park na malapit lang sa Central Plaza. Ano? Game?" sabi niya.
"Game ako but before that," binuksan ko ang backpack ko at nilabas ang isang tupperware. "Kainin na muna natin 'tong niluto ni Auntie."
"Wah!" He let out a soft chuckle and nodded his head twice. "Sige. Ubusin natin 'to dun sa hidden place natin."
"Natin?" Kumunot ang noo ko.
"Kung anong sa akin, yun din ang sa 'yo." Ngumisi siya at kinindatan pa ako.
Napangiwi naman ako. "Tumigil ka nga. Kinikilabutan ako."
"Mapanakit!" Singhal niya sabay turo sa akin kaya natawa na lang ako.
"Blue?!" Napalingon ako agad sa nagsalita at nakita si Micky na kalalabas lang mula sa loob ng Convenience store, suot-suot na naman ng employee uniform niya saka may hawak na trashbin.
"Hi, Micky!" Bati ko.
"Anong nangyari sa 'yo? Ilang gabi ka nang hindi nagpapakita, ah. Alam mo bang parang may burol dito lagi sa store dahil dyan kay Ravi. Para kasing nagluluksa 'yung mukha niya — "
"Ah, tara na Asul! Tara na!" Sabat ni Ravi kay Micky at mabilis na umangkas sa likod ko.
Natawa na lang si Micky sa kanya at kumaway. "Ingat!"
****
"I believe I can fly! I believe I can touch the sky!" Kumakanta na naman sa likod ko ang baliw na Ravi habang winawagayway ang isang kamay sa ere.
"Wala ka na bang ibang alam na kanta?!" Pasigaw kong tanong habang hindi inaalis ang atensyon sa kalsada.
"Paborito ko 'to eh! Napaka-life changing ng lyrics!" Pasigaw rin niyang sagot at kumanta ulit. "I believe I can fly! I believe I can touch the sky!"
"Eh inuulit-ulit mo lang naman ang dalawang linyang yan eh!" sabi ko.
"Walang basagan ng favorite, ok?! Hindi ko nga pinapakialaman yung paborito mong color na pink kahit Blue naman ang pangalan mo eh!" depensa niya pa at bago ko pa man maibuka ang bibig ko para i-correct siya eh mabilis niya na naman akong naunahan. "Oo na, peach na yun! Peach!"
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.