16 : Thank You

65 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang una ko agad na ginawa pagka-buhay ko ay ang kumaripas ng takbo patungo sa loob ng banyo. Nagmamadali akong lumublob sa bathtub pero wala pa mang 5 minutes, umahon na rin ako agad. Mabilis rin akong nagbanlaw tapos pakanta-kanta pa ako habang nilalagyan ng toothpaste ang toothbrush ko.

Hindi naman masyadong halata na excited ako eh no?

Suot ang pastel pink kong bathrobe, ngiting-ngiti akong lumabas ng banyo pero bigla na lang akong natigilan at nagulat nang makitang may ibang tao sa loob ng kwarto.

"Mommy?!" Bulalas ko dahilan para makuha ko ang atensyon niya.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko, nanlalaki pa rin ang mga mata. Oh God. Dito ba sila magdi-dinner? Magtatagal kaya sila dito? Paano na yung school anniversary nina Ravi? Makakapunta pa kaya ako dun?

"Why does it sound like a bad thing? Na andito ako sa kwarto mo?" Walang kaemo-emosyon niya namang sagot at kumunot ang noo.

"Hi-hindi naman po sa ganun." I blinked twice and shook my head. "N-nagulat lang po talaga ako na makita kayo dito."

"I was just checking your room," sagot ni Mommy at lumapit sa daan-daang orasan na nakasabit sa pader. "Nagkaroon ng emergency sa hospital kaya kinailangan kong umuwi."

"S-si Dad po?" tanong ko.

"Nagpaiwan siya sa Hongkong. He was--" Napatigil sa pagsasalita si Mommy nang bigla siyang napalingon sa direksyon ng kama ko at kumunot ang noo. "Kailan ka pa nahilig sa mga stuff toy?" tanong niya.

Gumapang agad ang kaba sa sistema ko. Oh God. Nakita niya pala si Carousel!

"Ah-ah Mom, m-magbibihis na po ako," pag-iiba ko ng usapan.

"Okay. Sumunod ka agad sa baba. May dinala akong Japanese food." Walang kaemo-emosyong sambit ni Mommy at inalis na rin ang tingin sa dalawang teddy bear.

Napahinga ako ng sobrang luwag nang makalabas na si Mommy. Mabilis kong ni-lock ang pinto at kinuha ang cellphone mula sa loob ng bag ko saka tinawagan si Ravi. Hindi naman nagtagal at sinagot na niya rin 'to.

"Hi, Asul!" Masiglang bati ni Ravi mula sa kabilang linya at kahit hindi ko man siya kaharap ngayon, sigurado akong nakangiti na naman siya ng sobrang lawak.

I bit my lower lip before speaking. "Ah kasi--"

"Si Blue ba yan?!" Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses ni Yong mula sa kabilang linya.

"Wag ka ngang epal! Dun ka na sa kanila oh! Sige na!" sigaw sa kanya ni Ravi pero naging mahinahon din naman nang magsalita siya ulit. "Napatawag ka, Asul? Nasa labas ka na ba ng gate namin?"

"Ah, ano, kasi may emergency dito sa bahay," sabi ko. "Kaya mamaya pa siguro ako makapunta dyan. Okay lang ba?"

"Okay na okay lang, Asul. Ano ka ba. Tutal hanggang 12 midnight naman 'tong celebration namin eh kaya makakahabol ka pa," masigla niyang sagot. "Basta magtext o tumawag ka lang sa akin kapag nasa labas ka na para masundo kita."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon