She's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Scent, libangin mo muna siya dyan. Hindi pa dumarating sina Auntie, e. Atsaka hindi pa rin kami tapos nina Raven sa pagse-set up." Natataranta kong sambit.
Ngayon na kasi 'yong birthday ni Ravi. Since hindi ako pwedeng lumabas, napagdesisyunan naming dito na lang sa rooftop ng hospital gawin ang surprise para sa baliw na lalaki.
Nagpaalam naman na ako kina Dad at pumayag sila. Sinabi ko pa nga sa kanilang maki-celebrate sila kasama namin para naman makilala na nila ang mga kaibigan ko kaso sunod-sunod 'yong operations nila ngayong gabi kaya hindi sila makakapunta. Ayos lang naman 'yon sa akin tutal may iba pang pagkakataon para do'n.
"Gano'n? O sige pero bilisan niyo, ah. Nauubusan na ako ng pwedeng ipalusot. Baka makahalata na rin ang ugok na 'to." Pabulong na sagot ni Scent mula sa kabilang linya at pinatay na rin agad ang tawag.
Sakto namang bumukas ang pinto ng rooftop at dumating na rin sa wakas sina Auntie at Uncle kasama sina Lucian 'saka Micky na may dala-dalang malalaking plastic bags at tupperware. Sila kasi 'yong naka-assign sa pagluto ng pagkain.
"Hindi pa tapos?" Bulalas ni Micky nang madatnan niyang nagtatali pa rin kami nina Raven ng mga balloons. Kaming dalawa kasi 'yong naka-assign sa pagde-decorate.
"Malapit na 'to!" Natatarantang sagot ni Raven.
Lumapit sa amin si Uncle 'saka Micky at tinulungan kami. Si Auntie naman ang nagset-up ng mga pagkain sa mahabang table.
"Andito na ang cake, guys!" Dumating naman sina Yong at Lenver na may hawak-hawak na malaking box. Sila naman kasi 'yong na-assign sa pagbili ng cake.
Hinihingal kaming lahat nang matapos nang maikabit lahat ng dapat na ikabit at pinagmasdan ang paligid. Punong-puno ng kulay blue na balloons at blue dim lights sa sahig. Tapos isang malaking tarpaulin na may mga stolen picture ni Ravi. Maayos na ring nakaset-up lahat ng mga pagkain sa table pati na rin ang mga gift namin.
"Okay na ba? Wala na ba tayong nakalimutan?" tanong ni Raven.
"Okay na okay!" Nag-two thumbs up si Micky.
Tinawagan ko na si Scent at sinabing pwede na silang pumunta rito. Pinatay na muna ni Lenver ang lights para hindi 'yon mapansin sa baba.
"Andyan na sila!" sigaw ni Yong since siya 'yong nautusan naming magbantay.
Kanya-kanya na kaming pwesto sa tapat ng pinto ng rooftop habang nakasuot ng party hats. Ako 'yong may hawak sa cake, si Micky ang naka-assign sa pagvi-video habang naka-abang naman sina Raven, Yong atsaka Lenver sa may pintuan para sa confetti.
"Ikaw kasi! Ang tagal mo! Kapag talaga binulyawan tayo ni Raven, uupakan kita!"
Nagpigil kaming lahat ng tawa nang marinig ang boses ni Ravi mula sa labas.