"Matatalo na kita, Kuya Ravi!"
"Tingnan lang natin, Luciano boy!"
Napahinto ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa kwarto ni Lucian at marinig ko ang boses nila ni Ravi. Pinihit ko ang doorknob 'saka dahan-dahang sumilip sa loob at nakita silang dalawa na nakaupo sa sahig at naglalaro ng video games.
Bwisit. Anong ginagawa ng baliw na 'to rito?
"Oh, buhay ka na pala, Pamangkin!" Napalingon naman ako kay Auntie nang dumating siya at may dala-dalang mga snacks saka juice. "Ikaw na lang magbigay nito sa boys," dagdag niya.
"Ho? E, ikaw na po Auntie." Umiling-iling ako at babalik pa sana sa kwarto ko nang bigla na lang humarang sa harapan ko si Auntie.
"May problema ba?"
"Wala, Auntie." Mabilis akong umiling.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Akala mo siguro hindi ko napapansin 'yang pasimpleng pag-iwas mo kay Ravi, 'no? Pagkatapos no'ng birthday ni Scent, hindi na kayo gumagala dalawa at hindi ka rin halos lumalabas ng kwarto mo. Ano bang nangyari, Pamangkin-"
"Ah, ako na lang po ang magbibigay nito sa kanila." Pagputol ko kay Auntie at mabilis na inagaw mula sa kanya ang tray.
"Blue." Nagbabanta niyang sambit at tinapunan niya ako ng nagdududang tingin.
Nagpanggap naman akong parang may inaamoy. "Hala Auntie! 'Yong niluluto mo, nasusunog na ata!"
"Ha?!" Nanlaki agad ang mga mata ni Auntie at kumaripas ng takbo paalis.
"Hindi pa tayo tapos, Pamangkin!" Pahabol pa niyang sigaw habang tumatakbo pababa.
I heaved a long sigh. Simula nga no'ng pag-uusap namin ni Ravi do'n sa hill, biglang hindi ko na siya kayang harapin. Natatakot ako na naiilang. Basta, hindi ko alam. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Gusto ko sanang umiwas muna sa kanya hangga't hindi ako nagiging okay pero sobrang imposible naman na iwasan ang isang Ravi na baliw at siraulo kaya sige na nga, bahala na.
"Yey! Panalo ako! Panalo ako!" Pagbukas ko ulit ng pinto, nadatnan ko si Lucian na nagtatalon-talon sa kama niya habang may hawak-hawak na controller.
"Bakit?!" Ma-drama namang sambit ng baliw na Ravi at umarte pang umiiyak kaya napangiti na lang tuloy ako.
Malakas akong tumikhim dahilan para makuha ko ang atensyon nilang dalawa at tinaas ang hawak kong tray.
Pinilit ko ang sariling ngumiti. "Snack time?"
"Yes!" Masayang sigaw ni Lucian at napasuntok pa sa ere.
Nakangiti namang lumapit si Ravi sa akin at kinuha ang tray. "Welcome back to life, Asul."
Napa-iwas ako ng tingin at matipid na ngumiti. "Ginagawa mo na talagang tambayan 'tong bahay namin."
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.