"Kuya, isang serve nga po ng kanin, pancit at sisig. Fried chicken na rin po pala. Atsaka isang tig-iisang serve na rin po ng mami at champorado. Para sa drinks, isang can ng coke po atsaka isang baso ng orange juice. Salamat po." Ngumiti ang baliw na lalaki pagkatapos sambitin ang mga order niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy ba't ang dami?!"
Sumandal siya sa counter ng food truck at nakangising lumingon sa akin. "Actually, kulang pa nga yan eh. Sa dami ba namang ng beses kitang natalo dun sa Arcade pero magpasalamat ka dahil mabait ako at hindi ko na sinali yung iba. Ikaw? Anong order mo?"
Marahas akong napabuga ng hangin at kunot-noong napatingin sa menu.
"Bulalo," iritado kong sambit. Gusto ko nga rin sanang kumain ng champorado pero isang beses lang naman akong nanalo sa kanya.
"Isang serve po ng bulalo para sa kanya atsaka tubig na rin."
Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lamang niya ako at nauna nang pumwesto sa bakanteng table. Padabog naman akong umupo sa tapat niya.
"Namiss ko na agad ah," buntong-hininga niya saka humalumbaba sa table.
"Ang alin?" kunot-noo kong tanong.
"Yung tawa mo," ngiting-ngiti naman niyang sagot. Naramdaman kong paunti-unti na rin akong nahahawa sa ngiti niya kaya mabilis kong tinikom ang bibig ko para pigilan ang sarili ko.
"Hindi mo na yun makikita ulit," pagtataray ko at pinaikot ang mga mata.
"Ang ganda ng langit, diba?" Napatingala naman ako gaya niya. "Ang dami-daming mga stars. Ang dami-dami ring matutupad na mga wishes."
Agad akong napangiwi. "Bata lang ang naniniwala sa ganun but on the second thought... isip-bata ka nga pala so it's okay."
"Wala namang masamang mag-wish diba?" depensa niya.
"Meron," giit ko. "Nakakasama yung naniniwala na nakakapagtupad ng wish ang mga stars dahil pinapaasa mo lang sa wala ang sarili mo."
"Teka, naaamoy mo ba yun?" bigla niyang bulalas dahilan para tumaas ang isang kilay ko. Pumikit naman siya at inamoy-amoy nga yung paligid tapos minulat niya rin ang mga mata saka ngumisi. "Amoy na amoy ang bitterness mo, Ms. Lifeless! Ang pait-pait ng hangin!"
"Mas mapait ang mukha mo." Napairap naman ako at napa-ismid. Akala ko kung ano na eh.
Tumawa naman siya, pinatong na ang dalawang kamay sa table at tinitigan ako ng maigi. "Ano bang dahilan ng bitterness mo?"
"Magkaibigan na ba tayo para sabihin ko yan sa 'yo?" pataray kong tanong.
Ma-drama naman siyang napasinghap sabay hawak sa dibdib niya habang nanlalaki ang mga mata. "Hi-hindi pa ba tayo magkaibigan sa lagay na 'to?!"
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.