47 : The fool

19 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Andito sa rooftop. 'Wag nang maraming tanong, okay? Bilisan niyo na lang." Pagkababa ni Ravi ng tawag, lumingon siya sa akin at natawa. "Asul, anong itsura 'yan? Parang konting-konti na lang, mahihimatay ka na, e."

Huminga ako ng sobrang lalim para pakalmahin nga ang sarili ko pero walang epekto. Kinakabahan pa rin talaga ako. Ang daming pumapasok sa isip ko habang hinihintay sina Raven na makarating dito sa rooftop. Paano kung hindi nila ako maintindihan? Paano kung matakot sila sa akin? Paano kung hindi na nila ako kausapin?

"Asul." Natigilan ako nang hinawakan ni Ravi ang magkabila kong pisngi at pinaharap ang ulo ko sa kanya. "Kalma lang, okay? Kalma. Kung ano man 'yang tumatakbo sa isip mo ngayon, 'wag mong intindihin 'yan. Mahalaga ka na sa mga ugok na 'yon kaya hinding-hindi ka nila tatalikuran."

"Pero paano kung magalit sila—"

"Shh," pagputol niya sa akin at nginitian ako. "Ang isipin mo lang ngayon ay 'yong mga masasayang alaala mo kasama ang mga ugok na 'yon. 'Yon lang. Wala nang iba."

Sasagot pa lang sana ako nang bigla na lang may umimik.

"Ay, sana all."

Sabay kaming napalingon ni Ravi sa tao na 'yon at nakita si Yong na kakarating pa lang sa rooftop. Mabilis kaming napalayo ni Ravi sa isa't isa nang mapagtantong hawak-hawak niya pala ang mukha ko. Sakto namang pumasok sina Raven, Scent, Micky at... Lenver.

Naalala ko agad 'yong nangyari sa amin no'ng huli kaming nagkita. Ako, umiiyak dahil nasasaktan kay Ravi. Siya naman, biglang umamin na gusto niya ako.

Sa totoo lang, nawala 'yon sa isip ko dahil nagsunod-sunod 'yong mga nakakagulat na pangyayari sa buhay ko. Ngayon na nasa harapan ko na siya, naitanong ko sa sarili ko kung totoo nga kaya 'yon? Hindi kaya nadala lang siya sa sitwasyon o naawa sa akin kaya niya 'yon nasabi?

"Asul?" Natauhan lang ako no'ng umimik si Ravi sa tabi ko. "Tinatanong ka ni Raven kung bakit mo sila pinapunta rito."

Napatingin ako kina Raven na nakatayo na pala sa mismong harapan ko at halata sa mukha nilang hinihintay nila ang sasabihin ko.

"Uh..." Bulalas ko. Huminga muna ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob na magsalita. "Kaya ko kayo pinapunta rito kasi may ipagtatapat ako sa inyo. Matagal ko na talaga 'tong gustong sabihin pero... inuunahan ako lagi ng takot."

"Ano 'yon, Blue?" Mahinahong tanong ni Raven.

"Kasi ano..." Bumalik na naman ulit 'yong kaba ko kaya hindi ko magawang tumingin sa kanila at ilang beses akong napalunok.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon