"Ang cute nila oh." Turo ng weirdong Lenver sa apat na dolphins na nagkukulitan sa gilid namin.
Walang kaemo-emosyon lang akong tumango at nagsimula nang maglakad sa gitna ng aisle. Nasa isang malaking tube kami ngayon na gawa sa glass kaya kitang-kita namin ang mga sea creatures sa paligid.
Wala sa sarili akong napalingon ulit kay Lenver nang mapansin kong wala siya sa tabi ko at nahuli ko siyang pinipicturan ako.
"Ang ganda." Ngiting-ngiti niyang sambit sabay pakita sa akin no'ng picture ko. Bahagyang naka-side view 'yong mukha ko at nakatingala sa taas.
"Burahin mo 'yan."
"Ayoko."
Napairap na lang ako at tinalikuran na siya.
"Sis, ang gwapo." Napansin ko naman ang dalawang babae na nasa sulok at ngiting-ngiti na nakatingin sa direksyon ko.
Imposible naman ako 'yong tinutukoy nilang gwapo kaya napalingon ako sa weirdong Lenver na nasa tabi ko. I admit, gwapo nga naman talaga ang isang 'to. Bagay na bagay pa sa kanya ang style ng buhok niya at ang suot niya ngayon na plain black long sleeves shirt na fit na fit sa katawan niya. Ang cool pa niyang tingnan dahil nakasilid ang isa niyang kamay sa bulsa ng itim niyang ripped jeans.
Pero mas gwapo pa rin sa paningin ko si Ravi. Kahit na mukha siyang tanga sa suot niyang over-sized hoodie, denim ripped jeans at bandana. Kahit na magulo ang buhok niya at mukha siyang hindi naliligo. Kahit pa mukhang nakahithit ng katol 'yong ngiti niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at pasimpleng umiling. Malala na talaga ako. Bakit ko ba kinukompara ang baliw na 'yon sa weirdong 'to?
"First time mo ba dito?" tanong ng weirdo sa akin.
Umiling ako. "Nakapunta na kami dito dati."
"Sinong kasama mo? Family mo?"
"Ravi." Simpleng sagot ko pero pansin kong bahagya siyang napatigil sa paglalakad.
Hindi ko naman siya pinansin at nagpunta ako sa gilid para pagmasdan 'yong mga isdang nagkukumpulan.
"Pwede ba akong magtanong?" Lumapit at tumabi na naman sa akin ang weirdo.
"Nagtatanong ka na," sagot ko sa kanya nang hindi inaalis ang tingin sa mga isda.
"Gaano na ba kayo katagal magkakilala ni Ravi?"
Inalala ko 'yong unang araw ng pagkikita namin. "6 months."
"Magkaibigan lang ba talaga kayo?"
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.