52 : Let go

30 3 0
                                    



"Kay Ravi. Sa kanya 'tong keychain. Siya si Juan Diego."

Parang tumigil bigla sa paghinto ang mundo ko nang marinig 'yong sinabi ni Scent. Paulit-ulit 'tong nag-replay sa isip ko pero parang wala akong kahit na anong naintindihan. Parang nag-stop sa pagfunction ang lahat ng sistema ko sa katawan.

"Blue, ano bang meron?" tanong sa akin ni Raven.

Alam kong gulong-gulo sila sa nangyayari ngayon. Lalong-lalo naman ako.

Pumikit ako at pinakalma ang sarili. Nang huminahon na ako sa pag-iyak, inangat ko muli ang ulo ko, mahigpit na kinuyom ang kamao at dahan-dahang naglakad papalapit kay Ravi. Huminto ako sa mismong tapat niya. Nanatili siyang nakatitig sa akin nang walang kahit na anong bahid na emosyon sa mukha. Hindi ko tuloy mabasa kung anong iniisip niya.

"T-totoo ba 'yong sinabi ni Scent?" Lakas-loob kong tanong kahit parang pinipilit na ang puso ko. "To-totoo ba na sa 'yo 'yong keychain? Na Juan Diego... 'yong pangalan mo?"

Matagal niya akong tinitigan bago siya dahan-dahang tumango.

"Imposible." Umiling ako nang ilang beses at pilit na tumawa. "Imposible 'tong iniisip ko. Imposibleng ikaw 'yon."

"Pamangkin?" Naramdaman ko ang paghawak ni Auntie sa balikat ko at sinubukan akong pakalmahin pero hindi naaalis ang atensyon ko kay Ravi.

"Hindi naman ikaw 'yon, 'di ba?" Natatawa kong tanong at napahawak sa sentido ko. "Ravi, hindi naman ikaw 'yong Juan Diego na kilala ko, 'di ba? Hindi naman ikaw 'yong heart donor ko, hindi ba? Hindi lang naman siguro ikaw ang nag-iisang Juan Diego rito sa mundo. Imposible... imposibleng ikaw 'yon."

"Heart donor?" Rinig kong bulalas ni Yong.

"Ravi," tawag ko sa kanya dahil hindi siya umiimik. "Ravi, sagutin mo ako. Hindi... hindi ikaw 'yong Juan Diego na heart donor ko, 'di ba?"

Mas lalo pa akong natakot nang hindi siya nagsasalita. Ni hindi niya magawang tumingin sa akin.

"Ravi." Naiiyak kong pagtawag ko ulit at hinawakan ang kamay niya. "H-hoy baliw na lalaki, hindi ikaw ang heart donor ko, 'di ba?"

Dahan-dahan siyang humarap sa akin at sa unang pagkakataon, nakita ko ang itsura niyang nahihirapan at... nasasaktan.

"Please, sabihin mong hindi. Please, Ravi. Please, sabihin mong magkapangalan lang kayo. Ravi, hindi ikaw 'yon..." Huminto ako sa pagsasalita para huminga ng malalim.

Bago pa man siya makasagot, bigla na lang bumukas ang pinto ng rooftop.

"Kuya..." sambit ni Auntie kaya wala sa sarili akong napalingon sa likuran ko at nakita ko si Dad.

"Blue informed me na may birthday party kayo rito so I—" Napatigil sa pagsasalita si Dad nang mapatingin siya sa akin. Bumakas agad ang pagkataranta at pag-alala sa mukha niya 'saka ako nilapitan. "Sweetie, what's wrong? Why are you crying? Are you hurt?"

Bago ko pa man ako makasagot, napatingin siya sa taong nasa harapan ko. Kay Ravi. Ramdam kong natigilan si Dad at bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Mas lalo pang pinilipit 'yong puso ko nang makita ang naging reaksyon ni Dad.

"D-Dad, he's not Juan Diego, right?" Kahit na nahihirapan na akong huminga, sinubukan ko pa ring magsalita. "Hindi naman po siya 'yong Juan Diego na heart donor ko, right? D-Dad, please. T-tell me. H-hindi po siya 'yon, 'di ba? 'Di ba, Dad?"

Lumambot ang facial expression ni Dad at humarap sa akin.

"Sweetie, he's..." Maharas na bumuga ng hangin si Dad. "He's really the Juan Diego I'm talking about. He's your... heart donor."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon