11 : Worth It

78 5 8
                                    

Pagkamulat ko pa lang, napangiti na agad ako at mala-Flash na kumaripas ng takbo patungo sa banyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkamulat ko pa lang, napangiti na agad ako at mala-Flash na kumaripas ng takbo patungo sa banyo. Hindi gaya noon na kalahating oras, 10 minutes lang akong naglublub sa mainit-init na tubig at nagbihis na agad ng paborito kong over-sized hoodie.

Pagkatapos kong maisuot ang converse shoes at maisukbit ang mustard na backpack, tinapik-tapik ko muna ang ulo 'yung kulay peach na teddy bear na pinangalanan kong Carousel bilang pamamaalam at nakangiting lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa suot kong wristwatch. 6:45pm pa lang. 8pm yung usapan namin pero sigurado akong andun na siya sa Convenience store.

"Pamangkin, kain ka na muna bago ka magpaka-Dora The Explorer," sabi ni Auntie habang naghahanda sa dining table.

"Magdadala na lang po ako ng baon," sabi ko naman nang makita ang mga niluto niya at hinimas-himas ang tuktok ng ulo ni Lucian na busing-busy na naman sa pagdo-drawing.

"O sige," tango ni Auntie at inabutan ako ng dalawang maliit na puting tupperware. "Nga pala, may napapansin akong kakaiba sa 'yo."

Napatigil naman ako sa pagkuha ng adobong manok at kinakabahang napatingin kay Auntie. "P-po? Ano naman po 'yun?"

"Parang kakaiba ang aura mo nitong nagdaang gabi. Para kang excited na masaya na ewan. Umamin ka nga sa akin, Pamangkin." Nilapit ni Auntie ang mukha niya sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. "Nagda-drugs ka ba?"

Humupa naman agad ang kaba ko sa sinabi ni Auntie at natawa. "Auntie, ano ba 'yang sinasabi mo? Syempre, hindi 'no."

"Oh tingnan mo! Tumatawa ka na rin ngayon!" Nanlalaki ang mga matang tinuro-turo ako ni Auntie.

"Mommy," singit bigla ni Lucian kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. "'Di ba po eto naman talaga yung gusto mo? Na ngingiti, tatawa at sasaya na si Ate Blue. Ayan na nga oh. Let's just be happy for her. Wag ka nang praning, okay?"

"Wow naman, Luciano boy." Natatawa kong bulalas at ginulo ang buhok niya.

"Tsk." Napangiwi naman si Auntie at sinenyasan na akong lumabas. "O siya, layas na."

****

Napakunot ang noo ko nang hindi ko makita yung baliw na lalaki--I mean, si Ravi pala na nakatayo sa tapat ng Convenience store. Three weeks na rin ang nakakalipas mula no'ng sinabi niya sa akin ang pangalan niya pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay.

Yeah, it has been 3 weeks since I accepted his friendship. Nagkaroon kami ng kasunduan nung nakalabas na kaming dalawa sa school nila. Kapag may pasok siya, hanggang 11pm lang ang paggala namin pero kapag Friday atsaka Saturday, kahit abutin pa kami ng 3am, pwede.

Sa 3 weeks na 'yun, ang dami kong natutunan mula sa kanya pero puro wala namang kwenta at kabaliwan lang lahat. Paunti-unti ko na rin siyang nakilala.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon