She's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"I believe I can fly! I believe I can touch the sky!"
Sinubukan kong mag-poker face lang habang nagda-drive pero hindi ko magawa. Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko habang pinapakinggan ang sintunadong boses ni Ravi at paulit-ulit niyang lyrics.
It's feels so great to hear him sing his favorite song again. It feels so great to feel his presence at my back. It feels so great that we're back on our little adventures again.
"Wah!" Namamangha niyang bulalas pagkarating namin sa Central Park kung saan ginaganap ang Halloween Fair. Mukhang tinodo na talaga ng city hall ang designs at mga pakulo nila since ngayon na ang last week ng November. Next month, Christmas Fair na naman.
"Do'n tayo Asul!"
"Hindi! Do'n muna tayo!"
"Per -" Pinandilatan ko siya kaya tinikom niya agad ang bibig niya at sumang-ayon sa gusto ko.
"Tara!" Hinatak ko na siya papunta sa booth na nagbebenta ng mga ice cream.
"Masarap ba 'yang sa 'yo?" tanong niya sabay nguso sa hawak kong ice cream na kulay itim at may icing na spider web 'yong design.
"Oo. Tikman mo." Tinapat ko sa bibig niya ang cone.
"Hoy masarap nga!" Namilog pa 'ypng mga mata niya pagkatapos niyang 'tong tikman.
Natawa tuloy 'yong lalaking nagbebenta ng ice cream sa exaggerated niyang reaction.
"E, 'yang sa 'yo ba?" tanong ko. Ang creepy and at the same time ng napili niyang ice cream. Kulay pula 'to at may fake na pangil na bampira na gawa rin sa icing.
"Masarap din. Oh." Siya naman 'yong nagtapat ng cone niya sa akin.
Nilapit ko ang bibig ko dito pero bigla na lang niyang tinaas ang kamay niya. Sinamaan ko siya ng tingin nang pagtawanan niya ako. Pinalo ko siya sa braso niya kaya natatawa niyang nilapit sa akin ulit ang cone.
"Palit tayo," sabi ko agad pagkatapos kong tikman ang ice cream niya.
Akala ko aalma pa siya pero mabilis niyang inabot sa akin ang ice cream niya at kinuha naman 'yong sa akin.
"So pwede na ba tayong sumakay sa mga halloween rides?" tanong niya habang tinataas-baba ang dalawang kilay.
Tatango na sana ako nang mamataan ko ang isang pamilyar na mukha.
"Micky?" Bulalas ko.
"Ha? Micky? Andito siya?" Napalingon din si Ravi sa direksyon na tinitingnan ko at nagulat nang makita si Micky na nakasuot ng itim na apron at nagpupunas ng table sa tapat ng isang food truck.
"Lapitan natin?" Aya ni Ravi.
"'Wag na. Mukhang busy siya e," sabi ko at hinila na siya patungo sa mga rides.