37 : Better

25 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood si Lenver na paulanan ng suntok 'yong walanghiya na lalaki. Sa sobrang gulat, ni hindi ako nakapagsalita o nakagalaw man lang. Galit na galit 'ypng mukha ni Lenver. Parang hindi siya 'yong weirdong Lenver na nakilala ko.

"Dude! Dude, tama na 'yan!" Kung hindi lang siguro hinatak nina Scent at Yong si Lenver palayo do'n sa lalaki, baka tuluyan na talagang mawala ang mukha niya.

"F-fuck..." Nanghihina nitong sambit.

"Lenver, that's enough!" sigaw ni Scent no'ng akmang susugod pa sana ulit si Lenver.

"Blue! Blue, ayos ka lang ba?! May masakit ba sa 'yo ha?! Anong ginawa sa 'yo ng hayop na 'to?!" Sumulpot sa harapan ko si Raven na sobrang natataranta habang hawak-hawak ang magkabila kong pisngi.

"P-please, ilayo mo ako sa lugar na 'to." Mahina kong pakiusap.

Narinig ni Lenver 'yong sinabi ko at siya na mismo ang umalalay sa aking makatayo. Hinihingal pa siya at kita kong nagdudugo 'yong kamao niya. Akala ko talaga lalabas na kami pero bigla siyang humarap do'n sa walanghiyang lalaki na nakahiga pa rin sa sahig at malakas na tinadyakan ang tuhod nito.

"Lenver!" Sabay-sabay na sigaw nina Raven.

"Y-you fucker! Pa-pagbabayaran mo 'to!" Kahit nanghihina na, nagawa pa ring sumigaw at magbanta ng walanghiyang lalaki.

"Oh ayan! Singkwenta! Bayad na ang pinsan ko sa 'yo! Iyo na ang sukli!" Tinapunan naman siya ni Raven ng 50 pesos sa mukha.

"Bitch—" Bumangon 'yong walanghiya at susugurin pa sana si Raven pero mabilis na nahawakan ni Scent ang collar ng suot niyang polo.

"Talaga bang hindi ka pa titigil? Gusto mo ba talagang tuluyan nang maglaho 'yang mukha mo? Huh, Dacini?" Maangas na tanong ni Scent. Malayong-malayo ang aura nito ngayon sa pagiging kalmado niya.

"Dude, tama na 'yan." Pigil sa kanya ni Yong.

"What the hell is happening?!"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita—kay Nina. Nakatayo siya sa may pinto at gulat na gulat sa naabutan niyang eksena. Mabilis siyang lumapit do'n sa walanghiyang lalaki.

"What did you do to him?!"

"Ano ba sa tingin mo?" Mataray na tanong sa kanya ni Raven. "Dapat talaga tinatali mo ng maayos 'yang pinsan o 'di kaya kinukulong! Ayan, may nabiktima tuloy at kaibigan pa talaga namin!"

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon