"Good job, everyone." Puri sa amin ni Uncle Sam pagkatapos ng mahigit apat na oras na operation. Critical ang kalagayan ng pasyente kaya kailangan namin ng guidance ni Uncle.
"Aray ko po. Sakit ng mga binti ko," nakangusong sambit ng pinakabata at pinakabago sa amin na si Doc Lee.
"Sinabi ko sa 'yong mag-stretching ka muna bago ang operation eh," iling sa kanya ng anesthesiologist naming si Doc Hera.
"Apat na oras lang 'yon, ah? Paano pa kaya kapag mahigit pa? Baka mag-collapse ka na, Doc Lee." Pang-aasar naman sa kanya ng isa sa pinakamatagal na nurse rito sa hospital na si Nurse Odette.
"Ikaw, Doc Dela Fuentes? May entry ka ba?" Pabiro namang bumaling sa akin ng tingin si Doc Lee dahil lahat na sila inaasar siya.
Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat niya. "Ginusto mo 'to, 'di ba?"
"Doc naman." He grunted.
Nagtawanan kaming lahat.
"Dinner?" Pag-aaya ni Doc Hera. Sumang-ayon agad sila maliban sa akin.
"Bakit?" tanong ni Doc Lee.
Ngumiti lang ako. Naintindihan naman nila agad 'yon.
"Bakit? Anong meron?" Maliban na lang kay Doc Lee.
"Tara na," inakbayan siya ni Doc Hera at hinila na 'to paalis. "Wala ka nang pag-asa dyan," rinig ko pang sabi niya.
Kumaway naman sa akin si Nurse Odette at naghiwalay na kami ng landas. Patungo na sana ako sa office ko para magpalit ng damit kaso bigla ko na lang namataan ang isang pamilyar na postura. Likod niya pa lang, kilalang-kilala ko na siya.
Napangiti ako at nagsimulang maglakad patungo sa kanya.
"Bakit nandito ka lang, bata? Pwede ka namang umupo doon oh. Ang dami pang bakanteng pwesto," rinig kong sabi niya. May kausap pala siya. Isang batang lalaki na putlang-putla ang mukha at nakasuot ng kulay orange na bonnet.
Umiling-iling 'yong bata. "Dito lang ako."
Bigla naman siyang umupo sa tabi noong batang lalaki nang hindi nilalapat 'yong pwet niya sa sahig. "Alam mo, may naalala ako sa 'yo. Parehong-pareho kayo, eh."
"Bakit? May sakit rin ba siya?" Inosenteng tanong noong bata.
"Dati," sagot niya. "Noong bata kami, kagaya mo, sa pwestong 'yan kung saan ka nakatayo ngayon, dyan din siya palaging nakatayo dati. Nakikinig lang siya noon sa tuwing nagbabasa ng storybooks 'yong mga nurse at walang balak na lumapit o makipag-usap sa amin."
Kinagat ko ang ibaba kong labi para mapigilan ang sariling matawa.
"Ayaw niya rin bang matakot ang ibang tao sa kanya?" tanong ng batang lalaki.
Tumingin siya sa bata at nakangiting tumango. "Ibang klase kasi 'yong sakit niya. Natakot siya na kapag nalaman ng namin, hindi namin siya matatanggap."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng batang lalaki at napaiwas ng tingin. "G-ganoon din ako."
"Pero alam mo ba,
pinagsisihan niya 'yon," sabi niya. "Sana pala raw hindi niya na lang piniling matakot. Sana sinubukan niyang lumapit at umupo sa tabi namin noon. Kung ginawa niya lang 'yon, hindi sana siya lumaking malungkot. Naramdaman niya sana na hindi siya nag-iisa habang naka-confine rito sa hospital. Atsaka nagkaroon sana siya ng maraming kaibigan noon pa man. Ang sarap pa naman sa pakiramdam na may mga kaibigan ka.""Kaibigan, wala ako noon." Buntong-hininga ng batang lalaki at binaling ang tingin sa mga batang nasa loob ng children's ward. Matagal 'tong tumitig sa kanila bago umimik ulit. "Kagaya noong taong tinutukoy mo, matatanggap rin kaya nila ako?"
![](https://img.wattpad.com/cover/205166455-288-k169609.jpg)
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.