Na-kwento na noon ni Raven sa akin na parehong lawyer 'yung parents ni Scent kaya hindi na ako nagulat nang makitang malaki 'yung bahay nila. Nasa gilid nito ang malawak na swimming pool kung saan nagkukumpulan 'yung mga bisita ni Scent. May mga tumatambay sa barbeque area at punong-puno ang swimming pool.
Napansin ko na napapatingin sa amin 'yung mga taong nadadaanan namin. Naiilang ako kaya wala sa sarili kong pinisil ang kamay ni Ravi. Napatingin naman siya agad sa akin at nginitian ako.
"Asan na kaya 'yung tatlong ugok?" tanong ni Ravi nang makalapit kami sa isang table.
Hinila niya ako paupo at tumabi sa akin nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. That's totally fine with me. Kahit na sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at umiinit ang magkabila kong pisngi, sobrang gaan naman sa pakiramdam.
Lumingon ako sa paligid para hanapin sina Raven pero iba 'yung nahagip ng mga mata ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin nang may mga lalaking dumaan sa gilid ko na nagtatakbuhan at pare-parehong naka-topless.
"Hindi ka sanay?" Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ravi kaya kinurot ko agad siya sa tagiliran. "Aray naman, Asul!" Daing niya sa sakit at bahagyang lumayo sa akin pero hindi niya pa rin naman binibitawan ang kamay ko.
"Umayos ka." Madiin kong sambit at napairap.
Ma-drama naman siyang suminghap. "Hindi ko naman alam virgin pa pala ang mga mata mo, Asul."
"Siraulo!" Akmang kukurutin ko pa sana siya ulit kaya natataranta siyang umusog papalayo sa akin.
"Wah!" 'Yun nga lang, nawalan siya ng balanse at matutumba na sana yung upuan niya pero buti na lang, hawak-hawak ko 'yung kamay niya kaya nahila ko siya pabalik sa tamang pwesto.
"Muntik na 'yun ah!" Nanlalaki ang mga mata niyang sinapo ang dibdib dahilan para matawa ako. Ang epic kasi ng itsura niya eh. Para talagang tanga.
"Ravi?"
Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses at nawala bigla ang ngiti ko sa mukha nang mabilis na binitawan ni Ravi ang kamay ko. Nagbaba ako ng tingin sa palad ko at sunod na napatingin do'n sa nagsalita.
Isang cute na babae na hanggang leeg lang ang buhok, maputi at petite ang katawan. Nakasuot lang siya ng plain black shirt at denim shorts pero ang ganda pa rin niyang tingnan.
"Hi, Rav." Kumaway siya kay Ravi at ngumiti dahilan para lumitaw ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi.
"Hi, Nina." Bati naman ni Ravi pabalik.
Lumipat ang tingin sa akin nung babae at tinuro ako. "Girlfriend?"
"Uy, hindi ah! Hindi ko siya girlfriend! Tropa ko lang 'to!" sagot naman agad ni Ravi na para bang diring-diri siya sa idea at ayaw na ayaw niyang maisip ng babaeng 'to na girlfriend niya ako.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.