"Uy, bakit ang tahimik niyo naman ata? Birthday ba 'tong pinuntahan natin o lamay?" Kunot-noong bulalas ni Yong.
Siya, ako, si Raven, si Micky atsaka 'yung pinsan niyang weirdo lang ang nakaupo at kumakain ngayon sa table. Si Scent, busy sa pag-asikaso sa iba niyang bisita habang 'yung baliw na Ravi, inutusan ni Raven na kumuha ng barbeque para sa amin.
"Alangan namang mag-ingay tayo habang kumakain, 'di ba?" Pabalang na sagot sa kanya ni Raven at inirapan siya.
"Gets ko naman 'yon pero bakit ba mukha kang bulldog d'yan na kating-kati nang kumagat ng tao?" tanong ni Yong habang tinuturo-turo ang mukha ni Raven gamit ang hawak niyang kutsara.
Mabilis na sumulyap si Raven sa weirdo niyang pinsan na nakaupo sa harapan niya at naiinis na napairap. Hindi niya sinagot si Yong at padabog nang binalik ang atensyon sa pagkain.
"Atsaka ikaw naman." Siniko ni Yong ang braso ng weirdong Lenver. "Kanina ka pa parang ulol d'yan na ngumingiti mag-isa. Kinikilabutan ako sa 'yo, tsong. Hindi ka naman ganyan no'ng huli tayong nagkita ah? Ganyan ba ang epekto sa 'yo ng Manila? Nasapian ka ba ng kung anong engkanto o espirito do'n?"
Mabilis ding sumulyap sa akin ang weirdo kaya otomatikong kumunot ang noo ko. Natawa lang siya ng mahina at hindi na naman sinagot si Yong. Ano ba talagang problema ng isang 'to?
"Teka, bakit ba ang tagal ni Ravi? Siya lang 'yung kakampi ko dito eh." Nakangusong napakamot sa ulo si Yong pero natigilan din siya nang napatingin sa akin. "No offense, Blue."
Ngumiti na lang ako ng pilit at lumingon sa direksyon ng ihawan pero mabilis ko ring binalik ang atensyon ko sa kinakain kong spaghetti nang makita ko siyang kausap na naman niya si Nina. Napabuntong-hininga ako at binuhos sa beef steak ang panggigigil ko. Eh kaya naman pala ang tagal niyang bumalik kasi kasama niya ang 'crush' niya.
"Are you guys having fun?!" Bigla namang sumulpot si Scent at inakbayan kaming dalawa ni Raven.
"Fun?! Mukha bang masaya at nage-enjoy kami?!" Sumimangot naman si Yong at padabog na nagcross-arms.
"Ano bang nangyari sa inyo?" Natatawang sambit ni Scent at akmang uupo na sana sa tabi ko nang biglang may tumikhim sa likod niya. Paglingon niya at nakita ang baliw na Ravi, napangisi agad si Scent. "Sabi ko nga do'n ako eh," sabi niya sabay turo sa isa pang bakanteng upuan na katabi no'ng weirdong lalaki.
Nilapag ni Ravi ang platong may mga barbeque at naramdaman ko nang umupo siya sa tabi ko.
"Sa wakas!" Bulalas ni Yong at mabilis na dumampot ng isang stick.
Mula sa peripheral view ko, nakita kong kumuha ng dalawang stick si Ravi at nilagay 'to sa plato ko.
"Nga pala, Lenver, bakit ba hindi ka nagsasabing uuwi ka pala? At alam mo ba 'to Scent?" tanong ni Yong dun sa weirdo.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.