4 : Claw Machine

83 7 22
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Nakakunot ang noo ko habang hawak-hawak ang chopsticks at pinagmamasdang kumain 'tong baliw na lalaki na nasa harapan ko. Wagas na wagas kasi siya kung lumamon ng ramen. Parang wala nang bukas. Grabe pa siya kung maka-higop ng sabaw. Mabuti na lang talaga at kami na lang dalawa ang nandito sa tapat ng food truck.

Nasa kalahati pa lang ako ng ramen ko, nilantakan na niya agad yung malaking siopao.

"Hmm! Ang sarap!" bulalas niya pa habang nakapikit.

Napatikhim ako. "Hindi halatang gutom na gutom ka."

"Konti lang," sagot niya naman habang may laman pa rin ang bibig.

So hindi lang pala siya baliw at weirdo, patay-gutom rin.

"Nga pala, may itatanong lang ako sa 'yo," sambit niya habang ngumunguya pa rin.

"Ano?" pataray kong sambit.

"Ano ba yung pumipigil sa 'yo?" tanong niya pa.

"Huh?" naguguluhan ko namang bulalas.

Ngumuya siya ng dalawang beses saka lumunok. "Anong pumipigil sa 'yong sumaya?" pagka-klaro niya sa tanong niya.

Napatikhim naman ako at hindi pinahalatang nabigla ako sa sinabi niya. "Bakit mo gustong malaman?" tanong ko pabalik.

"Para mas makapag-isip ako ng paraan kung paano ba kita matutulungan," sagot niya.

Bumuntong-hininga. "Sumuko ka na lang kasi. Kahit na anong gawin mo, kahit na tumalon-talon ka pa at gumulong-gulong sa harapan ko, hinding-hindi mo ako matutulungang sumaya dahil... iba ako."

"So hindi ka talaga tao?" nanlaki naman bigla ang mga mata.

"Baliw ka talaga. Tao nga kasi ako," giit ko at napabuntong-hininga ulit. "Yun nga lang, hindi normal."

"Hindi normal? Bakit? May mental problem ka ba?" tanong niya naman.

Tiningnan ko siya ng matalim. "Sa ating dalawa, ikaw nga yata ang may mental problem eh."

"Teka lang naman kasi," napakamot siya sa batok niya. "So hindi ka nga normal. Ibig bang sabihin nun, may sakit ka?"

Natigilan ako saglit saka nagkibit-balikat. "Siguro. Sakit nga yata ang tawag sa kalagayan ko."

"Hmm," napa-isip siya ng malalim. Akala ko kung ano na ang susunod niyang sasabihin, yun pala, bigla niyang tinaas ang index finger niya sabay sabing, "Paabot nga ng ketchup."

Napairap ulit ako at padabog na nga 'tong binigay sa kanya. Nilagyan niya ng maraming ketchup ang siopao niya at sinubo 'to ng buo. Napailing na lamang ako at hinipon ulit ang sabaw ng ramen ko. Akmang hihigupin ko pa sana 'to nang bigla naman siyang umimik.

"Eh kailan ka ba huling sumaya?" tanong niya na talagang nagpatigil sa akin at dahan-dahan kong naibaba ang hawak kong bowl.

"Hi-hindi ko alam," nakayuko kong sagot. Nakatitig lang ako sa sabaw ng ramen. "Hindi ko alam kung kailan ba ako huling sumaya o kung sumaya ba talaga sa buong buhay ko kasi parang hindi naman. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang pakiramdam o kung paano mo nga ba malalaman na totoong masaya ka talaga."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon