She's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ayos na ba 'to? Nailuto ko na ba talaga lahat ng paborito nila o kulang pa 'to? Dun na lang kaya tayo sa garden? Hindi ba sila masisikipan at maiinitan dito sa dining room?"
Nakangiwi kong pinapanood si Auntie na kanina pa napa-praning habang nakasandal sa sink at nakacross-arms.
"Anak, ano ba naman yang suot mo?" Gulat pang tanong ni Auntie kay Lucian na nakasuot ng pajama at kakapasok lang sa kusina.
"Bakit po?" Inosenteng tanong ng pinsan ko.
"Magbihis ka dun sa taas! Yung damit na nasa hanger ang suotin mo! Sige na!" Utos ni Auntie at marahang tinulak-tulak ang kawawang si Lucian palabas ng kusina.
Dinampot ko naman yung apple na nakapatong sa dining table at kakagatin pa sana 'to nang bigla na lang 'tong inagaw ni Auntie mula sa akin.
"Wag mong kakainin yan! Design kasi yan! Mamaya mo na yan kainin pagkatapos ng dinner!" Panenermon niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "At bakit ganyan lang ang suot mo?!"
Napatingin din tuloy ako sa suot kong over-sized green shirt at white shorts.
"Ano naman pong masama dito sa suot ko?" tanong ko naman.
Marahas na napakamot ng ulo si Auntie. "Ano ka ba, Blue! Darating yung Mommy at Daddy mo ngayon kaya dapat presentable ang damit mo!"
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Yun na nga po eh. Magdi-dinner lang tayo kasama silang dalawa kaya bakit kailangan pang mag-formal attire?"
Napabuntong-hininga rin si Auntie. "Eh kasi--"
"Ah, oo nga pala," pagputol ko sa kanya. "Nakalimutan ko na hindi pala simpleng family dinner 'tong gagawin natin kasi in the first place, hindi naman talaga nila tayo tinuturing na pamilya... lalong-lalo na ako."
"Blue..." Lumungkot ang mukha ni Auntie.
"Sige po. Magbibihis na ako," sabi ko naman at dali-daling umakyat sa kwarto ko.
Pagsara ko ng pinto, sumandal ako dito at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Ayokong umiyak. Ayoko nang umiyak. Hindi ko sila dapat iniiyakan. Pagod na ako dun.
Naalala ko naman yung panahon na dun pa ako sa hospital nagse-stay. Dun na kasi talaga ako lumaki. Marami akong hindi naranasan bilang isang bata noon. Naiinggit nga ako dun sa ibang batang pasyente na na-aadmit dahil kasama nila yung magulang nila habang ako, dun na nga nagta-trabaho sina Mommy at Daddy pero minsan lang nila ako bisitahin. Mas madalas ko pa ngang makita si Auntie kesa sa kanila.
Napagod na rin silang dalawa sa akin kaya napagdesisyunan nilang patirahin na lang ako kay Auntie. Yung first two years ko dito, hindi ako lumalabas ng bahay at nakakulong lang sa kwarto. Palaging umiiyak at umaasa na sana maging normal yung buhay ko pero dumating na sa point na nawalan na rin ako ng pag-asa at nagsawa na rin ako sa kakaiyak.