53 : Last Night

28 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Isang segundo.

Sa isang segundo pala ang kailangan para magbago ng lahat. 'Yong tipong pinikit mo lang ang mga mata mo saglit, pagmulat mo, sobrang laki na ng pinagbago ng takbo ng buhay at nararamdaman mo. Isang segundo lang. Gano'n kabilis.

"Hindi... hindi pwede 'to." Napakurap ako at natagpuan ang sariling nakatayo sa tapat ng mga kaibigan ko. "Hindi natin dapat hayaan na lang si Ravi na gawin 'yong gusto niya."

"Raven-"

"Guys, buhay niya ang nakasalalay dito." Hindi hinayaan ni Raven na makapagsalita si Lenver. "Hindi madali 'tong gagawin niya. Ang bata-bata pa niya. Marami pa siyang kailangang gawin. Ga-graduate pa siya kasama natin, 'di ba? Kaya hindi pwede. Hindi pwedeng hanggang dito lang si Ravi. Hindi ako papayag. May iba pa naman sigurong paraan. Pwede tayong humanap ng donors-"

"Sabi ni Ravi, pagod na siya." Napatingin kaming lahat kay Yong na nakaupo sa sulok at nakatingin sa kawalan.

"Tangina ka ba? Sumusuko ka na agad dahil lang sinabi niyang pagod na siya?" Singhal ni Raven. Sinubukan siyang hawakan ni Scent sa balikat pero tinabig niya ang kamay nito. "Guys, pwede pa naman natin siyang pilitin! Pwede pa natin siyang kumbinsihin! Pwede rin natin siyang bigyan ng mga dahilan para lumaban, 'di ba?"

Walang sumagot sa kanila. Marahas na bumuga ng hangin si Scent at napahawak sa buhok. Nakatulala pa rin si Yong. Nakasandal sa pader si Lenver at nakatingin sa kisame. Si Micky naman, nakayuko lang habang nakahawak sa beywang ko.

"Seryoso ba 'to?" Marahas na bumuga ng hangin si Raven at tumingala para pigilan 'yong mga luha niya. "Wala lang ba para sa inyo si Ravi? Hindi ba siya mahalaga sa inyo? Kaibigan niya ba talaga kayo, ha?!"

"Raven, syempre mahalaga siya sa amin. Kaibigan ang turing namin sa kanya," sagot ni Scent.

"E, bakit parang okay lang sa inyo na ituloy niya 'yong bwisit na pagdo-donate at mamatay siya?!" Malakas na sigaw ni Raven.

"Hindi 'yon okay sa amin, Raven! Sino ba namang tanga ang gustong mamatay at mawala 'yong kaibigan niya?!" Bulyaw pabalik ni Scent.

"Hindi naman pala okay 'yon sa inyo, e bakit ang tahimik niyo?!"

"Guys..." Susubok pa sanang umawat si Micky pero pinigilan na siya ni Lenver.

"Bahala kayo!" Singhal ni Raven. "Basta ako, hindi ko hahayaang ituloy ni Ravi 'yong pagdo-donate niya!"

Marahas na ginulo ni Scent ang buhok niya at malakas na hinampas ang pader.

"Blue..." Lumapit naman sa akin si Raven at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Sang-ayon ka sa akin, 'di ba? Naiintindihan mo ako, 'di ba? Hahanap tayo ng ibang donor para sa 'yo tapos bibigyan natin si Ravi ng maraming dahilan para 'wag siyang sumuko. 'Di ba?"

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon