54 : In another lifetime

36 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Wohoo!"

"Hoy! Ang iingay niyo! Tulog na 'yong mga tao!"

"Tanga! Maingay ka rin!"

"Guys, tingin sa camera!"

"Hello! Welcome to our vlog!"

Tahimik lang ako sa likod ni Ravi, dinadama 'yong malamig na hangin, sinusulit 'yong yakap at pinagmamasdan sina Yong na nagpapalitan ng sigaw. Kahit papaano, gumagaan 'yong loob ko dahil sa mga ngiti at tawa nila. Mukhang makaka-survive naman ako ngayong gabi. Sana.

Huminto kami sa Convenience store para bumili ng mga snacks.

"Pumili lang kayo ng kung ano! Kahit ilan! Ako magbabayad!" Mayabang na sambit ng baliw nang makapasok kami kaya nagtakbuhan agad sila sa mga shelves.

"Blue, tara!" Hinila ako ni Micky patungo sa sweets' section kung nasaan si... Raven.

"Kuha na kayo, bilis! Bago pa man magbago ang isip ng ugok na 'yon!" Natatawa niyang sambit habang kumukuha ng mga chocolates.

Hindi naging maganda 'yong huling pag-uusap namin kaya sobra akong nahihiya, naiilang at nakokonsensya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatayo lang ako sa likod nilang dalawa ni Micky na parang tuod.

"Bakit hindi ka pa rin kumukuha-" Napahinto si Raven sa pagsasalita nang lumingon siya sa akin.

"I'm... sorry." Bulalas ko. Paniguradong sobrang pula na ng mga mata ko ngayon dahil sa pagpipigil na umiyak. Marahas akong lumunok bago nagpatuloy. "Maiintindihan ko kung hinding-hindi mo na ako mapapatawad. Karapatan mo 'yon at tama ka. Kasalanan ko 'to lahat-"

Ako naman 'yong napahinto sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin.

"S-sorry din, Blue. Sorry..." Hikbi niya. "Wala akong karapatang gawin 'yon at mali ako, Blue. Wala kang kasalanan, Blue. Wala. Ako lang talaga 'tong sobrang tanga na sinisi sa 'yo lahat. Hindi ko naisip na may kasalanan din naman ako."

"Raven-"

"Kung hindi lang ako selfish, kung pinagtuunan ko lang ng pansin si Ravi, kung nakita ko lang 'yong paghihirap niya, e 'di sana naramdaman niya na hindi siya nag-iisa. Sorry. Atsaka... ang totoo nyan, masaya talaga ako no'ng nakilala ka namin. No'ng nakilala ka ni Ravi. Kayong dalawa ni Micky. Kasi mas lalo niyo pang binigyan ng kahulugan 'yong pagkakaibigan namin."

Napakurap ako nang may kumawalang luha sa mata ko at niyakap siya pabalik. Yumakap din sa amin si Micky. Ilang segundo rin kaming nag-stay sa pwesto na 'yon hanggang sa bumitaw si Raven at pinunasan ang mga luha namin ni Micky.

"Kakayanin natin 'to. Para kay Ravi." Binigyan niya kami ng maliwanag na ngiti.

"Para kay Ravi." Sabay naming sambit ni Micky.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon