She's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Okay na ba lahat? Wala ka na bang ibang kailangan, Pamangkin? Baka may nakalimutan ka pa sa bahay, ah?" Paniniguro ni Auntie.
"Wala na po. Okay na po," sagot ko at nilibot ang tingin sa bawat sulok ng kwarto.
Hindi ko aakalain na babalik ulit ako dito sa ospital na wala akong nararamdamang sakit at bigat sa loob ko. In fact, sobrang saya at komportable nga sa pakiramdam eh. Tinuring ko pang impyerno ang lugar 'to noon pero ngayon, hindi na.
Dahil nga malapit na ang heart transplant, kailangan ko nang mag-stay dito ulit sa hospital para ma-monitor ng maigi at maihanda ang katawan ko. Dahil nga dito na muna ako titira pansamantala, hindi na ako pwedeng gumala kasama si Ravi pero nangako naman siya sa akin na bibisitahin niya ako.
"Ate Blue, nood po tayo ng anime!" Pag-aaya ni Lucian at pumayag naman ako agad.
Buti na lang at may TV na 'tong kwartong 'to. Noon kasi, wala e. Mas maaliwalas na rin ang buong paligid dahil bago pala ako pinalipat dito nina Mommy, pinapinturahan na nila ang dingding at kisame ng paborito kong kulay—peach. May mga nakasabit na ring white curtains ang dalawang bintana. Hindi na talaga mukhang impyerno.
"Ihahanda ko lang 'yong dinner," sabi ni Auntie at lumabas na.
Nasa kalagitnaan kami ng panonood ni Lucian ng anime movie nang pumasok si Daddy with his lab gown.
"Hey, everything's alright?" tanong niya.
Tandang tanda ko pa rin 'yong itsura nilang dalawa ni Mommy no'ng umuwi ako. Tandang tanda ko rin kung gaano kahigpit ang yakap nila sa akin at kung ilang beses silang nag-sorry.
Pagkatapos no'n, nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Dad. Hindi na siya masyadong cold kung makipag-usap sa akin at tinitingnan niya na rin ako direkta sa mga mata. Medyo nakakapanibago pero alam ko namang he's trying his best para makabawi sa akin. Silang dalawa ni Mom. Darating ang araw at masasanay din ako sa pagbabagong 'to.
I smiled. "Yes, Dad."
"Uh, I have something for you." May nilabas na necklace si Dad mula sa bulsa ng lab gown kaya napaayos tuloy ako ng pagkakaupo. Si Lucian naman, nanatili pa ring nakadapa at tutok na tutok sa TV.
"Wow." Bulalas ko sa sobrang pagkamangha. Sobrang cute kasi ng pendant. Isang maliit na orasan at hindi ko alam kung pinasadya ba talaga dahil 6pm 'yong oras nito.
"C-can I?" tanong ni Dad, humihingi siya ng permiso na isuot sa akin 'ypng kwintas kaya ngiting-ngiti akong tumango.
"Ang ganda po," sabi ko nang maisuot na niya 'to sa akin at hinawakan 'yung pendant.