33 : Edge

28 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sa last week ng training nina Ravi, naging routine ko na pumunta sa school nila, magdala ng pagkain, panoorin silang magpractice tapos sabay-sabay kaming uuwi.

Tama nga talaga si Yong no'ng sinabi niyang puspusan 'yong training nila dahil 5 minutes break lang 'yong binibigay ng Coach nila tapos hanggang 2am sila natatapos. Kinukulit pa nga ako ni Ravi na gumala kami pero tumanggi na ako. Halata naman sa mukha niya ang pagod. Baka bigla na lang siyang mahimatay.

Hanggang sa dumating na rin 'yong inaabangang championship game night.

"Hoy Blue! Asan ka na ba?! Malapit nang magsimula 'yong game!" Pambungad agad na sigaw sa akin ni Raven pagkasagot ko ng tawag niya. 6:30 pm magsisimula 'yong game nila at kababalik ko lang sa pagka-buhay.

"Oo! Eto na!" Nagmamadali ako sa pagsuot ng sapatos ko.

"Nakasuot ka ba ngayon ng pula?" tanong niya. Red kasi 'yong color representation ng school nila.

"Oo!"

"Okay, good. Tumawag ka lang kapag nakarating ka na dito sa arena, ah?"

"Okay! Bye!"

Binaba ko na agad ang tawag, dinampot ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko. Tatakbo pa sana ako pero bigla na lang tumambad sa akin si Auntie na umiiyak.

"Auntie, bakit?!" Nag-aalala kong bulalas.

"S-si Lucian!" Iyak niya.

****


"Auntie, tahan na. Everything will be okay. Lucian will be okay." Pagpapakalma ko kay Auntie habang nakaupo kami sa waiting area ng hospital na pagmamay-ari ng pamilya namin.

The truth is, I really hate this place. Ayoko na talagang bumalik pa dito pero para kay Auntie, titiisin ko na muna. Kailangan niya ako sa tabi niya ngayon lalo na ni Lucian. May asthma kasi siya.

Tumango-tango si Auntie at sunod-sunod na huminga ng malalim. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago lumabas ang doctor. Mabilis kaming napatayo ni Auntie.

"Ka-kamusta po ang anak ko, Doc?"

"Don't worry. Okay na po ang anak niyo. Back to normal na po ang breathing niya."

Sabay kaming napahinga ng maluwag ni Auntie. Thank God he's fine.

"Thank you po, Doc."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon