13 : New people

73 4 22
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Pasimple kong tinagilid ang ulo ko sa direksyon ni Ravi na nakaupo sa tabi ko at binigyan siya ng makahulugang tingin. Napanguso naman siya at umiling-iling na para bang wala na siyang ibang magagawa, na hindi niya na ako mailalayo mula dito. Just great.

"So ikaw pala yung kasama ni Ravi na lumakwatsa tuwing gabi." Tumatango-tangong sambit ng matangkad na lalaki at pinakamaputi sa kanila. Hindi ko alam kung lumalaklak siya ng gluta o pinaglihi lang talaga siya ng Nanay niya sa gatas.

"Ikaw pala yung pinagkakaabalahan niya," sabi nung lalaking habang tinataas-baba ang makapal niyang mga kilay. Mahaba naman ang itim niyang buhok kaya para tuloy siyang may bangs at may silver piercing sa kanang tenga.

"At ikaw pala yung dahilan kung bakit ayaw niyang gumimik kasama namin," sabi naman nung babae na naka-braid ang mahaba at kulay violet na buhok at may malalalim na dimples.

Walang imik lang akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Ganun din naman sila sa aming dalawa ni Ravi pero may kakaiba silang ngisi sa mukha.

"Si... Si Blue nga pala," sabi naman ni Ravi sabay turo sa akin gamit ang left thumb niya.

"Ooh, Blue." Sabay-sabay silang tumango at para bang nag-uusap sila sa pagitan ng mga tingin. Hindi naman siguro triplets 'tong tatlong 'to, diba? Parang iisa lang kasi ang kilos at utak nila.

"Hi! Ako nga pala si Raven!" Unang nagpakilala sa akin yung babae. Nilahad niya sa tapat ko ang kamay niya kaya wala naman akong ibang choice kundi ang tanggapin 'to at makipag-shake hands sa kanya.

"Ako naman si Yong." Pagpapakilala naman nung lalaking may silver piercing. Akmang ilalahad niya ang kamay sa akin pero bigla na lang tumikhim si Ravi sa tabi ko kaya mabilis niya 'tong naibaba at tinanguan lang ako. Lumingon ako kay Ravi pero pa-inosente lang niya akong nginitian.

"Scent," sabi nung lalaking maputi sabay taas ng kamay niya sa ere.

"Okay." Walang kaemo-emosyon kong sagot saka tumango. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Maraming na-kwento si Ravi sa amin tungkol sa 'yo," nakangising sabi ni Raven. Naikwento na pala ako ni Ravi sa kanila?

"Sabi niya, robot ka daw," natatawang dagdag ni Scent kaya mabilis akong lumingon kay Ravi at kinunotan siya ng noo.

"O bakit?! Totoo naman ah?!" depensa niya agad. Yeah right.

"Pero tama nga talaga 'tong si Ravi boy. Ang ganda--aray!" Hindi natapos sa pagsasalita si Yong dahil bigla na lang siyang napadaing sa sakit. Hindi ko alam kung bakit pero nung lumingon ako kay Ravi, nakita kong pinandidilatan niya ng tingin si Yong na para bang nagbabanta. Okay?

"So kailan mo ba sasagutin 'tong kaibigan namin, Blue?" tanong ni Scent kaya nanlaki agad ang mga mata ko sa gulat. Pati na rin si Ravi.

"Uy ano ba yang pinagsasabi mo?!" Bulyaw ni Ravi sa kaibigan.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon