49 : Fireflies

22 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Everything's settled, anak." Ngiting-ngiti na sambit ni Mommy habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

Kakatapos lang ng meeting nila kasama ang ibang doctors ng hospital. Isinama nila ako para mas lalo kong maintindihan ko ang proseso ng operation at kung anong dapat kong gawin para maging handa ang katawan ko. Sobrang sarap lang sa pakiramdam na makita silang nagtulong-tulong para maging successful ang operation ko na pinangungunahan ni Dad. May kukunin pa silang professiol cardiologists mula sa ibang bansa.

I smiled back. "Thank you po."

"Oh, don't mention it, Sweetie." Tinapik ni Mommy ang pisngi ko at tumulong sa pagliligpit ng mga gamit sa table. 

"Ah, Mom?" tawag ko sa kanya.

"Yes, Sweetie?"

"Ilang araw na lang po bago ang heart transplant ko pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin kilala kung sino po 'yong donor."

Napatigil si Mommy at kunot-noong lumingon sa akin.

"You want to know who's your donor?" Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Dad na kakalapit lang sa amin.

"Hindi po ba 'yon pwede?" tanong ko.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot si Dad. "Hindi naman sa hindi pwede. It's just that... your donor signed a contract na bawal sabihin 'yong identity niya sa kahit na sinong tao, including you. I'm sorry, Sweetie."

"Ah, gano'n po ba." Dismayado kong sambit.

"But why would you want to know your donor?" tanong ni Mommy at umupo sa tabi ko.

"Gusto ko lang pong makilala at pasalamatan 'yong taong magiging susi ng pagtupad ng mga pangarap ko bago 'yong operation but since hindi po pala 'yon pwede, okay lang po. I understand." I smiled at them at tumayo na. "Sige po, babalik na po ako sa room ko."

I was about to leave the meeting room when Dad called me.

"You can meet your donor..." sabi niya. "But we need to ask permission first. And if ever man na hindi siya papayag. Pwede mo namang malaman kung ano ang pangalan niya. Kahit first name lang. Wala naman 'yon sa kontrata."

"Talaga po?" My face lightened up.

"His name is Juan Diego," sabi ni Mom dahilan para mas lalo akong napangiti. "And also, you actually met him before. Hindi mo na siguro maalala because you were still young that time. I think, 8 years old pa lang ata kayo noon."

"Po?" Gulat ko namang bulalas sa dinadagdag ni Mommy.


****




"Juan Diego." Sambit ko habang naglalakad sa gitna ng corridor.

So that's my donor's name. Sana pumayag siyang makita ko siya. Ang dami ko talagang gustong sabihin at itanong sa kanya pero kung ayaw niya talagang makita ko siya, then I'll respect his decision. Atleast alam ko na 'yong pangalan ng may-ari ng magiging bagong puso ko.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon