Humilata ako sa kama ko at nakipagtitigan sa mga paper cranes na nakasabit sa kisame. Wala pa sigurong one minute at iniba ko naman ang pwesto ko. Tumagilid ako 'saka niyakap si Carousel. Bumuntong-hininga ako at nagpagulong-gulong sa kama na parang tanga.
Grabe, ang hirap palang maging tambay lang sa bahay!
Almost one week na 'yong training nina Ravi kaya almost one week na rin akong hindi lumalabas. Dati naman, ayos lang sa akin na pumunta kung saan-saan nang mag-isa pero iba na kasi ngayon. Masyado na akong nasanay na kasama kong gumala ang baliw na Ravi na 'yon.
Mula pa no'ng nagsimula 'yong training nila, hindi pa kami nag-uusap pero patuloy pa rin naman siyang nagse-send sa akin ng mga pictures at videos nila. Mas lalo ko lang tuloy siyang namimiss.
Namimiss as a friend, ha.
"Pamangkin!" Mabilis akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Auntie mula sa labas ng kwarto ko.
Bumaba ako sa kama at pinagbuksan siya ng pinto. "Po?"
"Oh." Inabot niya sa akin ang cellphone niya kaya kunot-noo kong tiningnan 'yong screen at nagulat nang mabasa ang pangalan ni Raven sa caller's ID. "Kanina ka pa raw niya tinetext at tinatawagan pero hindi ka sumasagot."
Napakagat ako sa lower lip ko at tinapat ang cellphone sa tenga. "Hello, Ven?"
"Hoy! Bakit hindi ka sumasagot, ah?! Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo!"
Sinenyasan ako ni Auntie na bababa na siya kaya tumango ako.
"Raven, sorry. Nagcha-charge kasi ako," sagot ko habang nakatingin sa cellphone ko nasa side table sabay upo sa kama.
"Oh, okay. May ginagawa o gagawin ka ba ngayon?" tanong niya.
"Wala naman," sagot ko. "Bakit?"
"Punta ka dito sa school namin. Samahan mo naman akong panoorin ang training ng mga ugok."
Lumiwanag agad ang mukha ko at napangiti. "Sige! Sige! Pupunta ako! Sasamahan kita!"
Natawa si Raven. "Sus! Sasamahan daw! If I know, excited ka lang makita si you know who!"
Natigilan ako. "Ha?"
"Wala. Sige na, bye na. Magtext ka na lang kapag nasa gate ka na at susunduin kita."
Ngiting-ngiti kong binaba ang tawag at nagmamadali nang nagbihis.
****
Pilit kong tinatago ang tuwang nararamdaman ko habang naglalakad kaming dalawa ni Raven papunta sa gymnasium ng school nila. Kahit gabi na, maliwanag pa rin naman ang paligid dahil nakabukas lahat ng ilaw. May mga estudyante rin akong nakikita na nagte-training din.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
De TodoShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.