"I'm sorry, anak. Hindi pumayag si Diego na makipagkita sa 'yo. We really tried to convince him pero ayaw niya talaga, e."
Inaasahan ko naman talagang sasabihin sa akin 'yan ni Dad at sinabi ko na sa sarili ko na tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon niya but still, hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng pagka-dismaya.
"It's okay, Dad. Baka may dahilan naman po siya," sagot ko at pilit na ngumiti.
"We will try to talk to him again—"
"'Wag na po, Mom." Iling ko. "Kung ayaw niya po talagang makita at makilala ko siya, it's fine. I respect his decision."
"I'm sorry again, Sweetie." Hinalikan ni Dad ang tuktok ng ulo ko kaya kahit papaano, gumaan 'yong loob ko. "O siya, maiwan ko na kayo rito. May kailangan pa akong asikasuhin."
Hinalikan niya rin si Mommy sa pisngi bago lumabas.
"Do you really want to meet Juan Diego?" tanong naman ni Mommy nang kami na lang dalawa ang naiwan sa office.
Mabagal akong tumango. "Yes po pero hindi naman po natin siya pwedeng pilitin, e.
"Just a sec, Sweetie." Tumayo si Mommy at nagpunta sa office table niya. May kung ano siyang hinalughog sa cabinet niya 'saka bumalik sa tabi ko na may hawak na picture.
"Mom, sino po ang batang 'to?"
"That's Juan Diego."
Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Mom, 'di ba po may kontrata—"
"Shh, quiet ka lang." Bulong niya. "Wala akong nilalabag sa contract. Kahit na ipakita ko 'to sa 'yo, you won't recohlgnize him naman since ang bata-bata pa niya rito but still, sa atin-atin lang 'to, ha."
Natatawa na lang ako habang napapailing. Ngayon alam ko na kung kanino ko namana ang pagiging pasaway.
Napatingin ako do'n sa picture at napangiti nang bumungad sa akin ang isang batang lalaki na nakasuot ng jumper habang may hawak-hawak na lollipop at sobrang laki ng ngiti. I guess, nasa 8-10 years old pa siya dito. Ang cute-cute niya.
"Anong klaseng tao po siya, Mommy?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa picture.
"Si Juan Diego?" sabi ni Mommy. "Hmm, magalang, maaasahan at marunong tumanaw ng utang na loob. He also have this attitude na he wants to make the world happy before... his life ends."
Natigilan ako at gulat na napatingin kay Mommy. "Y-you mean..."
"Juan Diego had a brain tumor, Sweetie." Mom faintly smiled. "'Yon ang dahilan ng pagka-confine niya rito sa hospital no'ng 8 years old pa siya. After that, nagsunod-sunod na 'yong masasakit na pangyayari sa buhay niya."
Marahas akong lumunok para mapigilan ang nagbabadya kong luha. "W-what happened po?"
"Na-hit and run 'yong nanay niya. Hindi natanggap ng tatay niya ang nangyari kaya nilunod nito ang sarili sa alak at siya ang sinisisi sa nangyari."
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.