"Blue!" Kumaripas ng takbo papunta sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. "Grabe! Namiss talaga kita!"
"Oh, wag mo namang higpitan, Raven! Baka hindi na makahinga si Asul eh!" Sita sa kanya ni Ravi.
Binitawan rin naman ako ni Raven saka umingos. "Iba ang pagiging protective sa pagiging OA, gago!"
"Blue!" Napalingon ako dun sa sumigaw at tumambad naman sa akin si Yong na tumatakbo rin patungo sa direksyon ko habang naka-extend yung dalawa niyang braso. Nung malapit na siya sa akin, bigla na lang may humarang na kamay sa mukha niya kaya hindi niya natuloy ang balak na pagyakap sa akin.
At sino pa bang ibang gagawa nun?
"Ano ka ba naman, Ravi boy! Yayakap lang naman ako kay Blue eh! Namiss ko rin kaya siya!" Protesta pa ni Yong at sinubukan pa akong lapitan pero pilit siyang hinaharangan ng baliw na Ravi. Para tuloy silang naglalaro ng patintero sa tapat ng Comvenience Store.
"Ang tatanga." Natatawang napailing si Raven sa tabi ko.
"Hi Blue." Nag-angat naman ako ng tingin nang may umimik siya kabilang gilid ko. Si Scent na nagpupunas ng pawis. "Galing sa dance practice," sabi niya sabay taas ng hawak na puting towel.
Napatango-tango naman ako.
"Sige na, Ravi! Isang yakap lang naman!" Pakiusap ni Yong at parang batang pinadyak ang paa sa sahig.
"Sapak, gusto mo?!" Singhal naman sa kanya ni Ravi.
"Tara, pasok na tayo. Iwan na natin ang dalawang kumag na yan," anyaya ni Raven na agad naman naming sinang-ayunan ni Scent.
Nauna na nga kaming pumasok sa loob ng KTV House. Patuloy pa rin sa pagtatalo yung dalawa sa labas pero nung napansin nilang wala na kami, sabay silang napasigaw at nagmamadali ring sumunod. Natawa na lang kaming tatlo sa katangahan nila.
****
"So kamusta naman ang pag-out of town niyo, Asul?" tanong ni Yong habang nakatingin sa hawak niyang song book. Ang lakas ng loob niyang tawagin akong Asul ngayon dahil wala si Ravi. Siya na naman kasi ang nautusang bumili ng mga snacks.
"Okay naman," sagot ko. "Sobrang ganda ng Batangas."
"Batangas?" Kumunot ang noo ni Scent. "Sabi ni Ravi sa amin, sa Palawan daw kayo nagpunta."
"Ha?" Napakurap-kurap ako at natigilan. Kinabahan ako pero hindi ko yun hinayaang mahalata nila. "A-ah kasi, sa Palawan naman talaga kami unang nagpunta bago sa Batangas."
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.