"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong bulalas nang maabutan ko si Ravi na nakaupo sa stool at kumakain ng apple.
Lumingon siya sa akin at sumimangot. "Wah, ang sama mo. Bakit parang hindi ka naman ata masayang makita ako?"
"Dapat kasi nagsasabi ka muna na pupunta ka dito para hindi ako nagugulat."
Napanguso siya. "Para namang hindi ka pa sanay na andito ako."
Tinaasan ko siya ng kilay kaya napabuntong-hininga siya.
"Sorry na po, Asul. Pangako, sasabihin ko na talaga sa 'yo sa susunod na pupunta ako dito." Tinaas niya pa 'yong right hand niya na parang nanunumpa.
Napairap ako at hindi na siya pinansin. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig.
"Oh, hello Pamangkin!" Bati naman sa akin ni Auntie nang makapasok siya sa kusina na may dala-dalang mga apron.
"Para saan po 'yan?" kunot-noo kong tanong.
"Para kay Ravi," sagot ni Auntie sabay abot sa baliw na lalaki no'ng isang apron. "Tutulong siya sa aking magbake ng cookies. Ice-celebrate natin 'yong pagkapanalo nila. Dadamihan na rin para maibigay niya kina Raven, Scent at Yong."
Napa-ingos ako 'saka bumulong sa kabilang direksyon. "Ibibigay niya lang 'yan kay Gashina, e."
"Ha? Ano 'yon, Pamangkin?" tanong sa akin ni Auntie.
Mabilis akong umiling. "Wala po."
Sinuot naman ng baliw na Ravi 'yong apron at nginitian ako. "Tingnan niyo, Tita oh. Bagay na bagay talaga sa akin ang Blue."
"Oo, bagay na bagay nga sa 'yo si Blue—este 'yong kulay na blue!" Sang-ayon ni Auntie at nginitian din ako.
Napailing na lang ako at lumabas na ng kusina. Nadatnan ko si Lucian na nakaupo sa living room kaya nilapitan ko siya at tinabihan.
"You okay, Lu?" Malambing kong tanong sa kanya. Hindi na umabot pa ng dalawang araw 'yong pagkaka-confine niya sa hospital kasi okay na siya. Sana lang talaga hindi na maulit pa 'yon.
"Yes po. Lalo na at andito si Kuya Ravi." Ngumiti siya kaya pilit na lang din akong ngumiti pabalik.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kunot-noo ko 'tong kinuha sa bulsa ng suot kong sweatpants at sinagot 'yong tawag mula sa isang unknown number.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
РазноеShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.