Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nililibot namin ni Ravi ang buong quadrangle. Bukod na sa sobrang daming pakulo ng bawat booth, eh ang gaan pa sa pakiramdam na nakasuot ako ngayong ng school uniform atsaka ID. Pakiramdam ko, para akong isa sa mga estudyante ng school na 'to.
Isa-isa naming pinuntahan ni Ravi ang bawat booth. Pinaliwanag sa akin ni Ravi na lahat ng perang makukuha eh ibibigay sa isang bahay-ampunan. So hindi lang pala ako mage-enjoy dito, makakatulong din ako sa mga bata kahit papaano.
"Sa iba na nga lang tayo!"
Natawa ako nang binaba ni Ravi ang hawak na toy gun at nakabusangot na kinamot ang ulo. Ilang beses na kasi siyang nag-try na barilin yung mga cans pero ni isa, wala man lang siyang natamaan.
"Dun tayo?" Pag-aaya ko habang nakaturo sa mga rides.
"Tara!" Agad naman siyang sumang-ayon at mabilis akong hinila.
Una naming sinakyan ay ang mini Anchors Away. Pumwesto kaming dalawa sa hulihan. Uupo pa sana ako sa bandang gitna pero napansin ko na may kasama kaming dalawang lalaki na nakatingin sa akin at nakangisi. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiwi nang kinindatan ako ng isa sa kanila.
Bigla namang umupo si Ravi sa tabi nung isang lalaki na agad na sumimangot. Napansin niya siguro na naiilang ako. Napahinga ako ng maluwag at umupo agad sa tabi niya.
"Thanks." Pasimple kong bulong.
Isang malawak na ngiti lang ang sinagot niya at inalalayan ako sa paglagay ng bakal na seatbelt. I won't deny the fact that I like the gesture.
Nagsimula nang gumalaw yung Anchor. Mabagal sa simula pero pabilis nang pabilis ang pag-sway nito habang tumatagal. Imbes na sumigaw gaya ng ibang babaeng nakasakay, tawang-tawa ako dahil kay Ravi. Todo kasi siya kung makatili. Sobrang higpit pa ng pagkakapit niya sa bakal, nililipad ng malakas na hangin yung buhok niya tapos pinipilit niya pang imulat yung mga mata niya.
"Ayos ka lang ba?" Natatawa kong tanong nang makababa na kami sa Anchors Away.
"Mukha bang ayos lang ako?" Tinuro naman niya ang sarili niya. Nakahawak siya sa railings na nagsisilbing gate ng ride, hinihingal at gulong-gulo ang buhok. Mabuti na lang talaga at naka-pony tail ako ngayon dahil kung hindi, baka pareho na naman kaming magmukhang bruha.
"Para namang hindi ka pa nasanay." Pabiro ko siyang inirapan.
Marahas siyang bumuga ng hangin. "Kahit pa araw-arawin natin ang pagsakay sa ride na yan, hinding-hindi ako masasanay!"
"Dun naman tayo?" Nakangisi akong ngumuso sa direksyon ng roller coaster.
"Hintayin mo muna kayang maka-recover ako, ano?" Pabalang niyang sambit dahilan para matawa ako ng malakas. Ang sarap talagang asarin ng baliw na 'to.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.