41 : Hope so

22 1 0
                                    

Ilang linggo na lang at Christmas na kaya sobrang excited na ako—hindi dahil malapit na ang family dinner namin, kung hindi dahil eto ang unang pasko na kasama ko si Ravi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang linggo na lang at Christmas na kaya sobrang excited na ako—hindi dahil malapit na ang family dinner namin, kung hindi dahil eto ang unang pasko na kasama ko si Ravi. Napagplanuhan pa nga namin na isabay na lang ang pagcelebrate ng Christmas at New Year dun sa hill nang kaming dalawa lang. 'Yon nga lang, sa December 31 pa 'yon. Medyo malayo pa but that's okay. As long as kasama ko siya.

Hindi eto 'yong unang beses kong gumala sa labas tuwing December pero ngayon ko lang talaga naramdaman 'yong Christmas feels na sinasabi nila. Sobrang lamig na ng panahon kaya kinailangan kong magsuot mg makapal at mahabang coat saka turtle neck sa loob. Lahat ng nadadaanan kong establishments, punong-puno ng mga Christmas lights at designs. Tapos kaliwa't kanan pa yung pimapatugtog nilang mga Christmas songs. Nangunguna na d'yan ang kay Jose Mari Chan.

"Asul!" Malayo pa lang ako sa Convenience Store, narinig ko na agad ang malakas na boses ni Ravi at natanaw ko siyang tumatalon habang kumakaway-kaway sa direksyon ko. Ang cute niya sa suot niyang brown long coat at gloves pero hindi pa rin nawawala ang pulang bandana sa noo niya.

"Para kang tanga d'yan." Natatawa kong sambit nang ihinto ko ang scooter sa mismong tapat niya.

"Gwapo lang, Asul. Gwapo lang." Tumatango-tango pa siya sabay kindat sa akin at nag-pogi sign.

Pabiro akong ngumiwi. "Siraulo talaga. Sumakay ka na nga lang. Sabi ni Raven sa akin, kanina pa raw nagwawala si Yong do'n kahihintay sa atin."

"Hayaan mo na ang Instik na 'yon. E, kung wag na lang kaya tayo pumunta do'n? May alam akong mas masayang lugar na puntahan, ano? Tara?" Pag-aaya niya pa habang nakangisi at tinataas-baba ang mga kilay.

"Nope." Natatawa naman akong napailing. "Nag-promise ako kay Yong, e."

Napa-ismid naman ang baliw at padabog na umangkas sa scooter ko. Natawa na lang ako sa kanya.

Pagdating namin sa Central Plaza, sumalubong agad sa amin ang napakaraming tao. Eto 'yong unang beses ko na pumunta sa isang Christmas Fair kaya nagulat at namangha ako sa nakita. Punong-puno ng red, green at white ang paligid. Meron pang naglalakihang mga snowman. Syempre hindi mawawala si Santa Claus at ang kanyang raindeers. Para pa kaming nasa ibang bansa ngayon dahil sa artificial snow.

Nawala lang ang atensyon ko sa paligid namin nang biglang hinawakan ni Ravi ang kamay ko.

"Anong—" Napahinto ako sa pagsasalita nang may nilabas siyang isang pair ng kulay puting gloves at pinasuot 'to sa akin.

"Bakit kasi hindi ka nagdala ng gloves? Sa tingin mo, sapat lang 'yang suot mong coat para hindi ka lamigin?" sabi niya.

"Sorry ho." Natatawa kong saad. May bulsa naman 'tong suot kong dark blue na coat kaya hindi na ako nag-abala pang magdala ng gloves. Kaya ko rin namang tiisin 'yong lamig e but since, si Ravi na mismo ang nagpasuot sa akin, hinayaan ko na lang.

Pagkatapos niyang ipasuot sa akin ang gloves, inayos-ayos pa niya ang suot kong bonnet at pinat ang ulo ko. There goes his sweet little gestures again. Hindi na tuloy ako nagulat nang bumilis na naman ang heartbeat ko.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon