Hi Asul. Andito na ako sa Convenience store hehe :)
Napangiti ako nang mabasa ang text ni Ravi at nagmamadaling tumungo sa banyo. 5:12pm niya pa 'yun sinend kaya binilisan ko na ang kilos ko para hindi siya mabagot sa paghihintay.
"Magkikita na ba kayo ngayon?" Muntik akong napatalon sa gulat nang madatnan ko si Auntie na nakaupo sa kama ko at yakap-yakap ang teddy bear na si Carousel.
Tumango lang ako at lumapit sa closet.
"Kunwari pa siyang hindi excited." Nanunuksong sambit ni Auntie habang tinataas-baba ang dalawa niyang kilay.
Tumikhim ako. "Hindi naman po talaga."
"Mamatay man?" Nang-aasar na tanong ni Auntie pero agad din siyang natigilan. "Ay namatay ka na nga pala."
Napailing na lang ako sa kay Auntie at hindi na sumagot pa.
Okay, fine. I admit, excited talaga akong makita si Ravi ulit. Sa loob ng isang linggo, sa text at tawag lang kami nagkaka-usap. Nagse-send pa siya ng mga video sa akin. Kahit na puro kalokohan, kabaliwan, bangayan nila ni Yong at asaran nila nina Raven saka Scent lang ang content ng mga video, naa-appreciate ko pa rin dahil kahit papaano, alam ko 'yung mga ginagawa niya o nangyayari sa kanya while I'm dead.
"'Yan na naman ang susuotin mo?" Nagulat ulit ako nang biglang sumulpot sa gilid ng ulo ko ang mukha ni Auntie. Nakangiwi niyang tinuro ang damit na hawak ko.
"Ano pong problema sa hoodie?" tanong ko.
"Wala naman pero 'yan na lang lagi ang suot-suot mo eh. Mag-change of style ka naman kahit ngayon lang. Try mong magdress o magskirt." Nakangisi niyang suggestion.
"Pero Auntie, magda-drive po ako." Paalala ko.
"Oo nga, ano? Ah, teka lang." Napaatras ako nang hinalungkat niya ang laman ng closet ko. Makalipas lang ang ilang segundo, pinakita niya sa akin ang naka-hanger na denim jumper at white V-neck shirt. "Eto oh! Bagay na bagay 'to sa 'yo, Pamangkin!"
"No thanks-"
"Sige na! Suotin mo na! Ngayon lang naman eh!" Pagpupumilit nito at halos isubsob na sa mukha ko ang dalawang hanger.
In the end, wala na akong nagawa pa at sinunod na lang si Auntie.
****
Panay ang pagngiwi ko habang nagda-drive. Hindi talaga ako kumportable sa suot ko ngayon. Sobrang weird sa pakiramdam dahil ngayon lang ako lumabas na hindi nakasuot ng hoodie at jeans. Nag-insist pa nga si Auntie na lalagyan niya ako ng make-up kanina pero kumaripas na agad ako ng takbo palabas ng kwarto.
No'ng malapit na ako sa Convenience store at namataan ko na si Ravi na nakatayo sa tapat nito habang kinakawayan ako, bigla na lang gumaan na ulit 'yung pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.