She's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Asul, sorry talaga."
Mula sa langit, nabaling ang tingin ko sa kanya at pabiro siyang pinandilatan. "Pang-25 na sorry mo na 'yan. Paaabutin mo ba 'yan ng 100?"
Hindi naman siya sumagot. Matipid lang niya akong nginitian lang niya ako tapos binaling na ang tingin ang langit. Andito kasi kaming dalawa ngayon sa balcony ng kwarto ko. Niyakap niya ang dalawang tuhod at hindi na talaga nagsalita pagkatapos.
Napatikhim ako. "Ang tahimik mo, baliw. Hindi ako sanay."
"Hindi rin sanay na makita kang umiiyak," sabi niya dahilan para matigilan ako. "Ang gago ko kagabi, hindi ba?" dagdag niya.
"Matagal ka naman talagang gago." Pabiro ko siyang inirapan.
"Pero sagad 'yong kagaguhan ko kagabi." Mapait siyang ngumiti nang hindi pa rin tumitingin sa akin.
Napabuntong-hininga ako. "Okay, I admit. Nagalit ako at na-disappoint sa 'yo kasi sa lahat ng taong nandoon, ikaw talaga 'yong ine-expect kong magliligtas sa akin sa sitwasyon na 'yon."
"Sorry, Asul." Mahina niyang sambit at napayuko.
"Pero tapos na 'yon, Ravi," buntong-hininga ko. "Wala nang magbabago kung sisisihin mo pa ang sarili mo. Nag-sorry ka na at napatawad na kita kaya okay na. Okay na tayo."
"Ayaw mawala sa isip ko 'yong mukha mo ng oras na 'yon," sabi niya. "Umiiyak ka. 'Yon ang unang pagkakataon na nakita kitang umiyak at dahil 'yon sa akin. Kung hindi lang sana kita dinala do'n sa party, kung hindi lang sana ako umalis sa tabi mo at kung hindi lang sana ako naging pabaya, e 'di sana hindi hindi 'yon nangyari."
"Ravi..."
"Asul, nangako ako," dagdag niya. "Nangako ako sa sarili ko na pangingitian, patatawanin at pasasayahin kita palagi pero hindi ko 'yon natupad. Na-disappoint at napaiyak kita kaya sorry. Sorry."
Napabuntong-hininga ako ulit 'saka niyakap din ang mga tuhod gaya niya. Sinandal ko ang pisngi ko sa braso habang nakatagilid ang ulo sa paharap sa kanya. "Come to think of it, eto rin 'yong unang pagkakataon na makita kitang ganito kaya I'm sorry din."
Kunot-noo siyang lumingon sa akin. "Bakit ka naman nagso-sorry?"
"Kasi isang beses lang..." sagot ko. "Isang beses mo lang akong dinisappoint, nakalimutan ko na agad lahat ng ginawa mo para sa akin."
"Ayos lang," sagot niya 'saka matipid na ngumiti. "Ayos lang na makalimutan mo. Naiintindihan kita."
No, hindi mo naiintindihan. Gusto ko pa sana 'yang idagdag. Ang totoo, hindi lang naman 'to dahil disappointed ako sa kanya siya 'yong inexpect kong magliligtas sa akin, kung hindi dahil... kasama niya si Nina no'ng panahon na 'yon.
Nasaktan ako sa part na 'yon.
Alam kong wala naman akong karapatang makaramdam ng kung ano pero hindi ko mapigilan.