19 : The trust she gave

88 5 3
                                    

Tahimik naming inabangan ang reaksyon ni Ravi nang tikman niya ang adobo na niluto ni Auntie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tahimik naming inabangan ang reaksyon ni Ravi nang tikman niya ang adobo na niluto ni Auntie. Hindi naman siya nagsalita at natulala lang.

"Ano, Ravi? Okay ba?" tanong ni Auntie sa kanya.

Ngumiti naman siya ng malawak at nagtwo-thumbs up. "Okay na okay po, Tita! Sobrang sarap! Eto yung pinakamasarap na adobo na natikman ko sa buong buhay ko!"

"Hindi mo ba nalasahan yung karne ng tao?" Seryosong tanong ni Auntie dahilan para mabilis na maglaho ang ngiti sa mukha ni Ravi at mabitawan niya ang hawak na kutsara.

"P-po?" tanong niya, mukhang natatakot na.

Humagalpak ng tawa si Auntie at malakas siyang hinampas sa braso. "Joke lang!"

"A-ah. Jo-joker ka pala, Tita." Natawa naman ng hilaw si Ravi habang tumatango-tango at hindi nakaligtas sa akin ang paghinga niya ng maluwag. Akala talaga ng baliw na karne ng tao yung ginawang adobo ni Auntie.

"So... paano nga kayo nagkakilala?" tanong ni Auntie.

"Ganito po kasi yun," tumikhim muna ang baliw bago nagsalita ulit. "May humahabol po kasi sa akin nun--"

"Sino? Pulis ba? O miyembro ng mga sindikato?" Pagputol sa kanya ni Auntie.

"Ah, hindi po. Hindi." Mabilis naman na umiling si Ravi at natatawang napakamot sa ulo. "Hindi lang po talaga kami nagka-intindihan nun kaya nauwi kami sa habulan tapos nakita ko na nga po si Asul--"

"Asul?" Kumunot ang noo ni Auntie. "Yun ang tawag mo kay Pamangkin?"

"Ah, opo. Cute po, ano?" Natatawang tumango ang baliw kaya pasimple akong umirap.

Lumingon naman sa akin si Auntie saka ngumisi. "Cute nga."

Napataas tuloy ang kanan kong kilay. Hold up, nang-aasar ba siya?

Kinwento na nga ni Ravi ang tungkol sa una naming pagkikita. Tawang-tawa naman si Auntie sa kanya. Paano ba naman kasi, with actions and emotions pa talaga ang baliw habang nagsasalita.

Hindi ko naman itatanggi na masaya akong tinitingnan yung dalawang importanteng tao sa buhay ko na nag-uusap. Nagsisi tuloy ako na hindi ko kinuwento kay Auntie ang tungkol kay Ravi noon pa. Kung bakit kasi palagi akong nagpapadala ako sa takot ko eh. Kainis.

"Gusto mo pa ba?" tanong ko kay Lucian nang mapansin kong naubos na yung kanin niya.

Walang imik na tumango ang pinsan ko kaya akmang kukunin ko pa sana ang sandok nang bigla na lang akong maunahan ni Ravi.

"Ako na." Nakangiti niyang sambit kaya hinayaan ko na lang siya. "Kumain ka nang marami, Lucian ah. Para maging lumaki ka agad gaya ni Hulk at maipagtanggol mo ang Mama atsaka Ate Blue mo sa mga masasamang tao," sabi pa niya.

"Pero si Thor ang gusto ko." Giit ni Lucian.

"Uy pareho pala tayo! Isang high five naman dyan, pare!" Tinaas ni Ravi ang palad niya. Natatawa namang nakipag-apir sa kanya si Lucian.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon