"Na naman?!" Bulalas ko nang matalo ulit ako sa nilalaro namin ni Lucian sa xbox niya.
Kami lang dalawa ang nandito ngayon sa bahay dahil umalis si Auntie saglit. Nagka-problema kasi do'n sa flowershop niya kaya pinabantayan niya muna sa akin si Lucian.
Pinagtawanan naman ako ng cute kong pinsan kaya pabiro ko siyang sinamaan ng tingin at kiniliti sa tagiliran. Mas lalo pang lumakas ang tawa niya 'saka nagsimula siyang maglikot, sinusubukang umiwas at lumayo sa amin.
"Tama na po! Tama na!" Humahangos niyang sigaw.
Huminto na rin naman ako sa pagkiliti sa kanya kasi baka hindi na siya makahinga at ginulo ang medyo kulot niyang buhok.
"Ligpitin na nga lang natin 'to," sabi ko at napanguso. "Hinding-hindi naman ako mananalo sa 'yo eh."
Humagikhik si Lucian at biglang sumandal sa braso ko. "Sobrang happy ko po, Ate."
"At bakit happy ang cute kong pinsan?" Natatawa kong tanong at malambing siyang niyakap.
"Kasi po happy ka na," sagot niya. "Masaya ako na nakikita kitang nakangiti at tumatawa. Hindi ka na nakabusangot at parang robot. Tinupad na po ni Papa God ang wish namin ni Mommy."
Bahagya akong natigilan sa narinig at natawa nang biglang pumasok sa isip ko 'yung itsura ng baliw na 'yun habang may napkin na nakapatong sa ulo niya.
"Thanks to that crazy guy." Wala sa sarili kong bulalas.
"Ano po, Ate?" tanong ni Lucian kaya napakurap-kurap ako at tumikhim. Buti na lang hindi niya masyadong narinig. Ayoko pang malaman nila ang tungkol kay Ravi. Lalo na si Auntie. May tamang panahon para do'n.
Ngumiti na lamang ako at kinurot ang pisngi niya. "Nothing, Lu."
"I'm home!" Napalingon kaming dalawa ni Lucian sa pintuan ng kwarto niya at tumambad naman sa amin si Auntie Miranda na nakangiti.
"Mommy!" Tumakbo agad papunta sa kanya si Lucian at kiniss siya sa cheeks.
Tumayo rin naman ako at nagmano kay Auntie. Napatingin ako sa wall clock na nasa loob ng kwarto ni Lucian. 10:30pm na. Nandun pa kaya si Ravi sa Convenience Store?
****
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng scooter ko para makarating ako agad sa Convenience store. Hindi ko siya nakita na nakatayo sa labas nito gaya ng dati. Hindi rin siya nakaupo sa stool na nakaharap sa glass wall. Pumasok ako sa loob ng Store at luminga-linga sa paligid.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.