Pagkatapos nung performance ni Ravi, mas naging madali na sa akin ang makisabay at makisama kina Raven. Nang maubos namin yung mga pagkain at magsawa na sila sa pagkanta, nag-aya si Scent na mag-bowling. Agad naman kaming pumayag.
Nakasabit na naman yung braso ni Raven sa braso ko habang naglalakad kami pero hindi gaya kanina, wala na yung awkwardness sa sistema ko. In fact, sobrang komportable ko pa nga dahil panay ang kwento sa akin ni Raven tungkol sa mga embarassing moments ni Ravi noon nung mga bata pa sila. Blackmail opportunities.
"Panoorin niyo 'to ah! Tumba lahat ng yan!" Pagyayabang ni Yong at mala-Tarzan na pinalo ang dibdib niya saka confident na pinagulong na ang bola sa alley. Bigla naman 'tong lumihis ng direksyon at wala 'tong napatumba kahit isa man lang sa sampung pins.
Humagalpak agad ng tawa ang tatlo at inasar si Yong. Natawa rin naman ako pero hindi kasing lakas ng tawa nila.
Sunod namang pumulot ng bola si Scent at swabe 'tong pinagulong. Straight naman ang takbo nito pero pagdating sa dulo, bigla na lang lumiko at dalawang pins lang ang natamaan.
"Siya nag-aya tapos bokya rin pala! Ako nga dyan!" Pang-aasar naman sa kanya ni Raven at siya ang sunod na pumwesto sa tapat ng alley. Inunat niya pa ang mga braso sa ere saka kumuha ng bola. Binigyan niya pa 'to ng flying kiss bago 'to pinagulong.
"Ah wala yan! Wala!" Sigawan ng mga boys.
Nagdire-diretso yung bola ni Raven pero hindi niya napatumba lahat ng pins. Tatlo lang yung naiwan.
"Congrats!" Napapalakpak agad ako.
"High five!" Ngiting-ngiti namang nilahad sa akin ni Raven ang kamay niya kaya natatawa akong nakipag-apir sa kanya.
"Ehem! Ako naman! Ehem!" Malakas na tikhim ni Ravi kaya natuon sa kanya ang atensyon ko. Finold niya ang magkabilang dulo ng sleeves at mayabang na hinipan ang mga kamao.
"Kapag napatumba mo lahat, bibigyan ka ng kiss ni Blue!" Kantyaw ni Yong dahilan para kumunot ang noo ko. Dinamay na naman ako ng unggoy.
"Sige ba! Kahit 'tong buong building pa ang patumbahin ko!" Natatawang sagot ng baliw na si Ravi at nakangising lumingon sa akin.
"Uyyyyy!" Panunukso naman ng tatlo.
Napangiwi lang ako at hindi na umimik pa. Trip talaga nila akong asarin. Mga bwisit.
Hinipan muna ni Ravi ang bolang nakuha niya at pinagulong na nga 'to. Confident pang nakangisi ang baliw na si Ravi pero agad din 'tong naglaho nang bumagal ang takbo ng bola at huminto, ilang inches ang layo mula sa mga pins.
Natigilan kaming lahat sa gulat pero mabilis rin naman kaming nakabawi at humagalpak ng tawa. Kitang-kita na tuloy ang pamumula ng mukha ni Scent, halos gumulong na si Yong sa sahig at napaliyad si Raven sa kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
DiversosShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.