"'Wag na 'wag kang lalayo sa Auntie at Uncle mo, okay? Kapag nagka-problema, tumawag ka kaagad."
"Yes, Mom."
"I'm sorry kung hindi kami makakasama ng Dad mo. We still need to arrange the date of your heart transplant's schedule kasama 'yong mga doctor sa ibang bansa. Plus—"
"Mom." Natatawa kong pagputol sa kanya. "It's okay. I understand. Don't worry."
Alam ko namang gustong-gusto talaga nilang bumawi sa akin ni Dad pero sa sitwasyon namin ngayon, hindi pa nila 'yon fully na magagawa. Wala man akong naiintindihan sa kahit na anong medical field pero aware naman akong ginagawa nila ang lahat para maging successful talaga ang operation. Sabi nga nina Mom, I'm a special case; a different and difficult one kaya ingat na ingat sila.
Kapag naging normal naman na ako, maraming oras na sina Mom at Dad na bumawi.
I heard Mom's sigh from the other line. "Okay. 'Yong mga bilin ko sa 'yo, wag mong kalilimutan. I'll hang up na. Malapit nang mag-start ang meeting namin. Bye, Sweetie. Enjoy."
"Bye po. We will, Mom."
"Ayos na ba?" Napalingon ako kay Uncle nang magsalita siya at tumango 'saka binalik na ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong hoodie.
"Ate, excited na po akong panoorin ang fireworks!" Ngiting-ngiti na sambit ni Lucian habang nakahawak siya sa kamay ko.
Ngumiti ako. "Me too, Lu."
"Ayon na si Ravi oh!" Mabilis akong lumingon sa direksyon na tinuturo ni Auntie at napangiti agad nang makita ang baliw na lalaki. Kumakaway siya sa amin kahit malayo pa siya habang nakangiti na naman ng malawak at suot-suot ang isa sa mga bandanang niregalo ko sa kanya.
Eto 'yong pangalawang bagay na gusto kong gawin bago ang operation ko; ang gumala kasama siya sa huling pagkakataon but since, hindi ako papayagan nina Dad na lumabas nang hindi kasama sina Auntie, sinama ko na lang sila.
Wala namang kaso 'yon kay Ravi. Sinabi ko pa nga sa kanya na isama na rin namin sina Raven para mas masaya pero may kanya-kanyang lakad din pala sila kasama ang mga pamilya nila.
"Hello po, Tita at Tito! Hi Asul! Yow Luciano Boy!" Isa-isa niyang bati sa amin. Nagmano siya kay Auntie at Uncle, kumaway sa akin 'saka nakipag-fist bomb kay Lucian.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at nagsimula na kaming libutin ang malawak na Central Plaza. As expected, ang dami-dami na namang tao ngayon dito at nag-aabang din ng New Year gaya namin. No'ng Christmas Fair, punong-puno ng snow ang paligid at Christmas designs pero ngayon, maraming nakasabit na lanterns sa bawat puno at busog na busog ang mga mata ko sa iba't ibang kulay.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa nang makita sina Ravi, Lucian at Uncle sa harapan namin, magkahawak-kamay at sumasabay sa kantang pinapatugtog sa buong Central Plaza.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.