Nagising ako dahil sa tunog ng isang daang alarm clock sa buong kwarto ko. Napahikab ako at nag-inat ng katawan bago ko dahan-dahang minulat ang mga mata ko. Napangiti ako nang tumambad sa akin ang sikat ng araw mula sa bintana.
"Good Morning, Carousel!" Bati ko sa teddy bear 'saka bumaba sa kama at pumasok sa loob ng banyo.
Imbes na magpunta sa bathtub para magbabad sa mainit na tubig gaya ng nakasanayan, nagpunta ako sa harapan ng salamin para magtoothbrush at naligo sa ilalim ng shower gamit ang malamig na tubig.
Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako, hindi ng over-sized hoodie at jeans gaya ng nakasanayan, kung hindi isang peach dress at puting sandals. Ginamitan ko ng blower at sinuklay ang buhok ko na hanggang leeg na lang ngayon 'saka nag-apply ng light make up.
"Good Morning, Sweetie!" Bati sa akin ni Mommy nang makababa ako sa dining room ng bahay. Yes, 'yong bahay ko talaga at hindi kina Auntie. Limang taon na rin mula no'ng umalis ako sa kanila at tumira kasama nina Dad.
"Good Morning, Mom! Good Morning, Dad!" Humalik ako sa pisngi nilang dalawa 'saka umupo. Kukuha na sana ako ng sandwich nang bigla kong napansing nakatitig sa akin si Dad. "Is there something wrong po?"
"Nothing." He shook his head and smiled. "Excited ka na ba para sa start ng internship mo next week?"
"Excited and nervous at the same time." Pag-amin ko.
"Kinakabahan ka ba dahil paniguradong strict 'yong mga seniors?" tanong ni Dad pero umiling ako kaya kumunot ang noo niya.
"Dahil kay Uncle Sam," sagot ko dahilan para matawa siya. Si Uncle Sam 'yong bunsong kapatid ni Dad na Head ng Neurology Department at sobrang sungit.
"Bawal mag-chismis sa harapan ng pagkain." Singit sa amin ni Mommy at inabutan ako ng baso ng juice bago umupo sa tapat ko.
"Hindi 'yon chismis, Honey. That's a fact." Depensa ni Dad. "Talaga namang nakakatakot si Sam."
"Excuse me, mas nakakatakot ka kaya." Ismid ni Mommy 'saka tumingin muli sa akin. "Alam mo ba, anak, sobrang daming pinaiyak nitong Daddy mo noon na mga intern. Halos wala na ngang gustong mag-apply sa Department niya noon, e. Pinapahiya niya kasi tapos pinagbabantaan-"
"Hey, that's too much." Sabat ni Dad at pabirong sinamaan ng tingin si Mon. "Paninirang puri na 'yan, ah."
"Ay, talaga? May puri ka?"
Napailing na lang ako at natawa habang nag-aasaran silang dalawa sa harapan ko.
After the operation, talagang pinanindigan nina Dad ang sinabi nilang babawi sila sa akin. Every sunday, nagda-day off sila para makapag-bonding kami tapos sa tuwing may out of town trip sila, si Dad na lang 'yong pumupunta pero hindi gaya noon, hindi na siya nagtatagal at umuuwi din agad.
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.