2 : The Lifeless Girl

80 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Saan tayo pupunta ngayon?!" Pasigaw na tanong nitong lalaking naka-angkas sa scooter ko.

Dahil nga nagda-drive ako ngayon at hindi rin naman talaga kami magkakilala, hindi ko siya sinagot at naka-focus pa rin ang buong atensyon ko sa pagda-drive.

"Saan tayo pupunta?!" tanong niya ulit at gaya nung una, hindi na naman ako sumagot.

"Hindi mo ba talaga ako marinig dahil sa helmet o sadyang bingi ka lang?!" bulalas niya.

"Hindi ako bingi!" giit ko.

"Eh saan nga kasi tayo pupunta?!" pangungulit niya pa.

"Basta!" sigaw ko sa inis at laking pasalamat ko nang tumigil na siya sa pagtatanong. Akala ko tatahimik na rin siya pero hindi nagtagal, narinig ko naman siyang kumanta.

"I believe I can fly! I believe I can touch the sky!" Napangiwi ako nang marinig ang boses niyang mas malala pa sa boses ng palaka at nang sumilip ako sa side-mirror, nakita ko pang naka-extend yung dalawa niyang kamay sa ere, nakapikit at feel na feel yung pagkanta. Bwisit.

Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaang bumirit nang bumirit sa likod ko hanggang sa ihinto ko na nga ang scooter sa tapat ng Arcade Center.

"Woah! Cool!" Bigla namang napahiyaw sa tuwa 'tong lalaki at dali-daling bumaba. "Ang galing mo ah! Paano mo nahulaan na gusto ko ang lugar na 'to?" ngiting-ngiti pa niyang sambit at mahinang siniko ang braso ko.

Inirapan ko lang siya at nauna nang naglakad habang dala-dala ang helmet ko. Patalon-talon namang sumunod 'tong lalaki na 'to nang hindi tinatanggal ang nakakainis niyang ngiti sa mukha. Nang makapasok kami sa loob, sumalubong agad sa amin ang makukulay na iba't-ibang machines ng Arcade games, maingay na mga tao at malakas na music.

Tumungo naman ako agad sa may counter para bumili ng tickets. Pagharap ko dun sa lalaki, otomatikong kumunot ang noo ko nang nadatnan ko siyang nakangiti ng sobrang lawak habang palingon-lingon sa paligid. Grabe, mukha siyang tanga.

Napabuntong-hininga na lamang ako at naglakad na patungo sa Basketball shooting machine. Magsisimula pa lang sana akong mag-shoot nang bigla na lang sumulpot sa tabi ko yung baliw na lalaki.

"Uy! Sakto! Paborito ko 'to! Pataasan tayo ng score oh!" pag-aaya niya pa.

Napa-tsk na lamang ako at tinuon na ulit ang atensyon sa harapan pero napalingon din ako sa kanya ulit dahil hindi siya gumagalaw sa pwesto niya.

"Ano pang tinutunganga mo dyan?" pataray kong tanong.

"Eh kasi... wala akong ticket eh. Pahingi naman ako." Napayuko siya saka napakamot sa likod ng ulo.

Napairap na lang ako saka naglabas ng isang ticket at inabot 'to sa kanya nang hindi siya tinitingnan.

"Uy salamat! Bait mo pala!" tuwang-tuwa naman niyang sambit.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon