15 : To the end of the world

50 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Ayos ah." Natatawa kong saad pagkatapos i-check ang answer ni Ravi sa assignment book niya na walang kahit na isang mali.

"Well?" Mayabang niya namang sambit sabay pagpag sa balikat niya.

"Sabi na sa 'yo eh, kaya mo talagang sagutan 'to. Tamad ka lang talaga," sabi ko.

Bigla naman niyang niligpit ang mga gamit niya sa loob ng dalang itim na backpack at ngiting-ngiti na humarap ulit sa akin.

"So ano? Pwede na ba tayong gumala ngayon? May bagong bukas na--" Napahinto siya sa pagsasalita at agad na naglaho ang malawak na ngiti sa mukha nang umalingawngaw sa buong Convenience store ang isang  pamilyar na boses.

"Hi Blue!"

Napalingon ako sa likuran ni Ravi at natawa na lamang nang makita sina Raven, Yong saka Scent.

"Hi." Bati ko sa kanila pabalik. Mabilis na lumapit sa akin si Raven at niyakap ako. Akmang yayakap rin sana sa akin si Yong pero binigyan ko siya ng matalim na tingin kaya nilahad na lang niya ang palad niya sa harapan ko para makipag-apir.

"O ba't ganyan itsura mo?" Natatawang tanong ni Scent sabay turo kay Ravi na nanlulumo at parang iiyak na.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?! Diba ang usapan natin, every weekend lang tayo gigimik kasama si Blue?! Eh Wednesday pa lang ngayon ah!" Kunot-noo niyang bulyaw.

"Bakit ba pinagdadamot mo 'tong si Blue? Pati nga number niya, ayaw mo pa ring ibigay sa amin eh! Pagmamay-ari mo ba siya ha?" tanong ni Raven sa kanya habang nakapameywang at nakataas ang kanang kilay.

Hindi naman nakasagot si Ravi. Kung si Yong man ang mang-aasar sa kanya, nagagawa niya pa 'tong sakalin o batukan pero pagdating kay Raven, tiklop talaga siya.

"Andito lang naman kami para magpatulong kay Blue dude eh," natatawang sabi ni Scent.

"Anong maitutulong ko?" kunot-noo kong tanong.

"Eto oh!" Ngiting-ngiti na inilapag ni Yong sa harapan ko ang tatlong assignment book na kagaya nung kay Ravi.

Ngumso si Raven at umupo sa tabi ko. "Turuan mo naman kami nito, Blue. Wala sa amin ang magaling sa Math eh. Yang si Scent, puro pagsasayaw at twerk lang ang alam nyan--"

"Masama bang maging talented?" Depensa ni Scent saka nagkibit-balikat.

Hindi naman siya pinansin ni Raven at nagpatuloy lang sa pagsasalita. "Yan namang si Yong, puro babae lang ang iniisip--"

"Masama bang maging pogi?!" Kunot-noo namang depensa ni Yong sa sarili niya.

Gaya ni Scent, hindi na naman siya sinagot ni Raven at sunod na tinuro si Ravi. "Tapos yan naman, puro kagaguhan at bola ng basketball lang laman ng utak."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon