Napadilat ako at agad na napabangon. Napatingin ako sa daan-daang orasan at napahinga ng maluwag.
Sumandal ako sa headboard ng kama saka sinapo ang dibdib. 6 pm pa rin ako nabubuhay. Ang tanging nagbago lang talaga ay ang oras ng pagkamatay ko. Nung una, 5 am tapos a week after, naging 4 am bigla tapos ngayon naman, 3 am na. Hindi na bumabalik sa dating 6 am.
Every week, nababawasan ang oras ng pagiging active ng puso ko.
Sigurado akong kapag sinabi ko 'to kay Auntie, ipapaalam niya rin kina Mom at Dad dahil sa sobrang pag-aalala and I don't want that to happen. Hindi pwede. Ikukulong na naman nila ako sa hospital nila.
I'm still trying to find the reason kung bakit nababawasan ang oras ko. Kung hindi man bumalik ulit sa dating 6 am, kailangan kong humanap ng paraan para manatili lang ang oras ng pagkamatay ko sa 3 am.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa cellphone ko.
Masyado na akong nasanay na sa tuwing nabubuhay ako, may matatanggap akong sandamakmak na messages mula kay Ravi na puro mga kwento tungkol sa mga kabaliwan niya sa buhay habang patay pa ako.
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at in-open 'to but surprisingly, wala akong natanggap na message mula sa kanya.
Nakakapagtaka naman.
Ibababa ko na sana 'to pero bigla namang tumunog ang ringtone ko at agad na kumunot ang noo nang makitang ang isang unknown number na tumatawag sa akin.
Teka, baka si Ravi lang 'to? Bukod kay Auntie, siya lang naman ang nakakaalam sa number ko, e. Kahit nga sina Mom at Dad, hindi nila alam na binilhan ako ng cellphone ni Auntie noon.
Nakangiti kong sinagot ang tawag. "Hoy baliw-"
"Asul!"
Naglaho bigla ang ngiti ko. Hindi kasi boses ni Ravi ang narinig ko mula sa kabilang linya kung hibdi kay-
"Yong?" Bulalas ko.
Humalakhak siya sa kabilang linya. "Oo! Si Yong nga 'to! Galing mo, ah! Kahit nga sina Scent na mahigit sampung taon ko nang kaibigan, hindi man lang ako mabosesan! Ni hindi nga nila sine-save ang number ko sa mga cellphone nila! Ang sama-sama nila sa akin 'di ba, Blue?"
"Pa-paano mo nalaman ang number ko?"
Natawa si Yong sa kabilang linya. "Aba syempre kay Ravi! Siya lang naman 'yong nakakaalam sa number mo, e! Akala ko nga habang-buhay ka na niyang ipagdadamot!"
BINABASA MO ANG
Die Now, Love Me Later
RandomShe's dead at day time and alive during night time. Hindi siya bampira, sadyang 12 hours lang active ang puso niya. She's not happy nor sad; she's just lifeless but not until she met the craziest jerk of the town that turned her world upside down.