26 : Her human medicine

37 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nag-enjoy ba kayo?" Ngiting-ngiti na tanong ni Auntie habang papalabas kaming lahat ng Amusement Park.

"Oo naman po!" sagot nina Yong.

Marami pa silang sinasabi pero hindi na masyadong na-absorb ng utak ko. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko yung nangyari. Mabuti na lang talaga at hindi ko sila kasama no'ng sumakit bigla 'tong puso ko dahil paniguradong mag-aalala lang sila sa akin. Masyadong masaya at memorable ang gabing 'to at ayoko namang sirain 'yun.

"Asul?" Biglang umimik si Ravi sa tabi ko kaya natauhan ako agad at napalingon sa kanya. Magkatabi kaming naglalakad habang karga-karga niya si Lucian na nakatulog sa sobrang pagod.

"Hmm?" Pinilit ko ang sariling ngumiti.

"Ayos ka lang ba?" Kunot-noo niyang tanong.

Mabilis akong tumango. "Oo naman. Ayos lang ako."

"Para kasing ang lalim ng iniisip mo," sabi niya.

"Gaano kalalim?" Pabiro kong tanong ko pero nanatiling seryoso 'yung facial expression niya habang nakatitig sa akin.

"Ano ka ba, ayos lang ako. Napagod lang talaga ako." Tatawa-tawa kong sambit 'saka yumuko at binaling ang tingin sa suot kong sapatos.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong niya.

Tumingala ako ulit sa kanya at genuine na ngumiti. "Sobra."

Napangiti rin siya pabalik. Eto talaga 'yung dahilan kung bakit ayokong sabihin 'tong sakit na nararamdaman ko. Kapag nakikita ko ang ngiti niya, gumagaan ang loob ko. Nakakalimutan ko kahit sandali 'yung problema ko. He is indeed my medicine.

Nang makarating kami sa parking lot, maingat na pinahiga ni Ravi si Lucian sa backseat ng kotse ni Auntie.

"So babye na, guys." Pamamaalam ni Auntie sa kanila.

"Bye po, Tita! Bye, Asul—Blue pala! Bye Blue!" Bawi agad ni Yong nang makita niyang sobrang talim ng tingin sa kanya ni Ravi.

"Bye po." Bumeso si Raven kay Auntie. "Bye, Blue." Sunod niya akong niyakap.

"Ah teka lang po," sabi bigla ni Scent. "Tita, birthday ko po pala sa sabado. Gusto ko po sana kayong i-invite ni Blue. Sa bahay lang po namin gaganapin 'yung celebration."

"Pool party po 'yun!" Ngumisi si Yong saka kumindat.

Natawa naman si Auntie. "Nako, matagal na akong nagretire sa mga ganyang party. Si Blue lang ang pupunta. Ayos lang ba 'yun sa 'yo, Scent?"

"Ayos lang ho." Tumango si Scent at ngumiti. "Padadalhan ko na lang po kayo ng pagkain."

"Ay bet. Gusto ko 'yan." Humagikhik si Auntie at nakipag-apir kay Scent. "O siya, babye na. Ingat, kids."

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon