7 : You deserved to be happy

45 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Ms. Lifeless! Long time no see!" Masigla niyang bulalas nang maka-recover na siya sa pagka-gulat at mabilis na tumayo.

Napatikhim ako at napairap. "Ang malas ko naman dahil nakita pa talaga kita ulit."

Ma-drama siyang napasinghap sabay hawak pa sa dibdib niya. "Ang sama mo sa akin. Hinanap pa naman kita kung saan-saan sa loob ng ilang linggo tapos ganyan lang ang sasabihin mo?"

"Hi-hinanap mo ako?" Gulat kong bulalas.

"Syempre!" Taas-noo naman niyang sagot, ni hindi man lang nagdalawang-isip.

"Ba-bakit?" Hindi ko alam kung bakit ako biglang nautal.

"Eh diba nga, may utang ka pa sa akin?" Ngumisi siya.

"Utang?" Naguguluhan kong sambit.

"Yung deal natin?" Paalala niya.

"A-ah yung deal." Napatango-tango naman ako. Kaya lang pala niya ako hinanap dahil dun sa napag-usapan namin na isasama ko siya sa bawat lakad ko.

"Oh? Bakit parang disappointed ka yata?" Natatawa niyang saad.

"At bakit naman ako madidisappoint?" Kunot-noo kong tinuro ang sarili.

"Hmm, wala naman." Nagkibit-balikat siya at bigla na lang nilapit ang mukha niya sa mukha. "Baka kasi inaasahan mo na sasabihin ko na kaya kita hinahanap kasi nami-miss kita," dagdag niya pa.

Agad akong napabuga ng hangin at mabilis na tinulak ang mukha niya papalayo sa akin.

"A-ang assuming mo naman!" Asik ko.

"Totoo naman ah? Halatang-halata kaya sa mukha mo na namiss mo ako!" Natatawa niyang sambit.

"Hindi kita namiss! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" Nakangiwi kong giit.

Mas lalo pang lumakas ang tawa niya at bigla na lang niyang hinawakan ang tuktok ng ulo ko. "Wag kang mag-aalala, namiss din naman kita kaya patas lang tayo."

"Hindi nga sabi kita namiss!" Muli kong giit sabay tabig sa kamay niya.

"O sige na, sige na. Hindi mo na nga ako namiss." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere bilang pagsuko at tumigil na rin sa pagtawa pero hindi pa rin naaalis ang malawak niyang ngiti.

"Pero seryoso, masaya talaga ako na nagkita tayo ulit." Aniya.

"Ah okay." Walang kaemo-emosyon naman akong tumango kahit ang totoo, bigla na lang lumakas ang pagtibok ng puso ko.

"Dahil dyan, ililibre kita! Tara!" Taas-noo niyang sambit saka hinila ako sa pamamagitan ng paghawak ng dulo ng sleeves ng suot kong hoodie. Seryoso ba siya?


****



"Mahilig ka pala sa chocolate?" Ngiting-ngiti niyang tanong habang naglalakad kami sa pathway ng park at may hawak-hawak na ice cream. Seryoso pala talaga siya nung sinabi niyang ililibre niya ako. Akala ko wala siyang pera eh.

Die Now, Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon